|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nagpasalamat sa Armed Forces of the Phils
NAGPASALAMAT si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na nagdiriwang ng kanilang ika-79 na taon ng pagkakatatag.
Binanggit niya ang mga pagkakataong malaki ang ginampanang papel ng mga kawal tulad ng pag-ayuda sa mga taga-Zamboanga at sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na taon. Mahalaga rin ang naging papel ng mga kawal sa naganap na lindol noong nakalipas na taon sa Bohol at Cebu. Pinasalamatan din niya ang mga kawal na nakatalaga sa malalayong destino.
Pinuri din niya ang katatagan ng mga kawal na naglingkod bilang peacekeepers sa iba't ibang bahagi ng daigdig lalo't higit ang napalaban sa Golan Heights sa pag-itan ng Syria at Israel.
Masayang ibinalita ni Pangulong Aquino ang dagdag na P 60.00 sa P90.00 subsistence allowance. Makatatanggap din ang mga pulis at iba pang kasama sa uniformed service ng pamahalaan.
Nangako rin si Pangulong Aquino na magpapatuloy ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines ayon sa Transformation Roadmap na kanilang binuo at ipinatutupad.
Nanawagan din siya sa mga opisyal at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines na huwag madadala sa tukso at malihis sa tuwid na daan sa pamamagitan ng graft and corrupt practices. Malapit na umano ang halalan sa 2016 kaya't may mga taong magtatanggkang manggamit sa mga kawal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |