|
||||||||
|
||
Sandatahang Lakas ng Pilipinas, patuloy na maglilingkod
TINIYAK ni General Gregorio Pio Catapang, Jr., Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy silang maglingkod hindi lamang sa mga Filipino kungdi sa iba pang bahagi ng daigdig. Nakita na ang katatagan ng sandatahang lakas na nagtagumpay sa lahat ng mga pagsubok sa mga nakalipas na panahon sa loob ng 79 na taon.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang kaninang umaga sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni General Catapang na nakita ang kabayanihan ng mga kawal sa Golan Heights, sa Liberia at Haiti at maging sa sunod-sunod na trahedyang dulot ng baha, napipintong pagsabog ng bulkan at mga bagyong dumaan.
Unti-unting nakakabawi ang imahen ng sandatahang lakas sa pagpapatupad ng mga palatuntunang mag-aangat sa mga mamamayn mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kapayapaan. Patuloy na kinikilala ng Armed Forces of the Philippines ang international humanitarian law at human rights.
Matatanggap na ng Pilipinas sa susunod na taon ang 28 armored vehicles, tatlong medium lift at dalawang light lift aircraft, walong combat utility helicopters, walong attack at dalawang helicopters, 10 amphibious vehicles at baka sakaling may dalawang fighter planes.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Aquino sa suportang ipinarating sa Armed Forces of the Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |