|
||||||||
|
||
Pasko sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, maulan
NAGBABALA ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maulan ang Metro Manila at mga kalapit pook bukas.
Bukod sa Metro Manila, madarama ang pag-ulan sa Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Bulacan at Bataan sa ilalim ng "Yellow Rainfall Alert". Inaasahan ang pagbaha sa mabababang pook.
Unang naglabas ng rainfall alert ang PAGASA kaninang 5:45 ng umaga at sinundan ng panibagong babala sa ganap na ika-siyam ng umaga. Ang pag-ulan ay dulot ng tinaguriang "tail-end of a cold front."
Pagsinabing yellow rainfall alert, nangangahulugan ito ng ulang mula 7.5 hanggang 15 millimeter sa bawat oras ang magaganap sa susunod na dalawang oras.
Banayad ang bubuhos na ulan sa Pampanga, Nueve Ecija, Tarlac at Zambales na maaaring magtagal ng tatlong oras.
Samantala, ilang mga biyahe ng eroplano ang hindi natuloy dahil sa sama ng panahon. Kanselado ang mga biyahe ng Philippine Air Lines patungong Cagayan, Caticlan at Virac.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |