|
||||||||
|
||
Politika, nasa likod ng pagpapa-alis kay Kalihim Enrique Ona
PUMASOK na naman ang politika sa pagkakapatalsik kay Kalihim Enrique Ona sa Kagawaran ng Kalusugan. Sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi ni Kalihim Ona na tiyak niyang mayroong politika sa pagkaka-alis sa kanya sa puesto.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Kalihim Ona na hindi siya politiko. Sapat na umano ang kanyang paglilingkod bilang Kalihim ng Kalusugan.
Wala umano siyang ambisyong politikal at hindi nagbabago ang kanyang paninindigan. Tumanggi siyang magpaliwanag subalit sinabi niya sa kanyang kasama sa Kagawaran na isang magandang tuntungan ang kagawaran sa pagiging Senador. Kailangan umano ng isang manggagamot sa Senado, dagdag pa niya.
Ito umano ang naganap kay dating Kalihim at naging Senador Juan M. Flavier na naging dahilan upang manguna sa senatorial elections noong 1998.
Sa panayam sa mga mamamahayag, ginusto umano niyang manahimik sa likod ng mga kabi-kabilang mga akusasyon.
Pinayuhan umano siya ng kanyang mga kaibigan na magsalita na sapagkat mali ang mga lumalabas na balita. Mas makabubuti umanong makasama na niya ang kanyang pamilya sa edad niyang 75 subalit hindi siya magreretiro kaagad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |