|
||||||||
|
||
Filipino, hinirang na kasama ng Pontifical Council for the Protection of Minors
NAKASAMA sa mga bubuo ng Pontifical Council for the Protection of Minors sa Vatican City si Dr. Gabriel Dy-Liaco, isang propesor sa University of Asia and the Pacific.
Hinirang ni Pope Francis sina Cardinal Sean O'Malley, OFM Cap., bilang pangulo, Monsignor Robert Oliver ng Estados Unidos bilang kalihim at 14 na iba mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Magpupulong ang mga kasapi ng komisyon sa Vatican mula sa Biyernes hanggang Linggo, ika-anim hanggang ika-walo ng Pebrero ng susunod na taon.
Si Cardinal Sean O'Malley ng Estados Unidos ay Arsobispo ng Boston at isang kasapi ng Council of Cardinals na nagbibigay ng kaukulang payo kay Pope Francis.
Si Msgr. Robert Oliver ng Estados Unidos ay manunungkulan bilang Kalihim ng Komisyon kasunod ng matagal na gawain sa child protection para sa Archdiocese of Boston, US conference of Bishops at Congregation for the Doctrine of the Faith bilang Promoter of Justice.
Si Dr. Gabriel Dy-Liaco, isang Filipino, ay isinilang sa Lima, Peru noong 1969 sa mga magulang na kapwa mula sa Pilipinas. Nanirahan sila sa Peru sa unang dalawang toan at sumunod na pitong taon Japan at nanirahan na sa Pilipinas.
Kasal siya at may limang anak at mayroong Ph. D. sa Pastoral Council mula sa Loyola University sa Maryland. Kasama sa kanyang mga gawain ang paggamot sa mga tao, mag-asawa at mga pamilya at mga grupo sa napakaraming mga isyu.
Kabilang dito ang adult at childhood abuse at trauma, psychiatric diagnoses, personality disorders, addiction, at non-psychiatric problems. Isa siyang lisensyadong professional counselor at sanay sa psychotherapy a counseling para sa iba't ibang mental health settings mula noong 1999.
Isa siyang Associate Professor sa School of Psychology and Counseling sa Regent University sa Virginia, USA.
Nagturo din siya sa Department of Pastoral Counseling sa Loyola University sa Maryland. May tanggapan siya sa University of Asia and the Pacific sa Pasig City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |