|
||||||||
|
||
Cardinal Luis Antonio G. Tagle, bumati sa mga mamamayan; Arsobispo Villegas, nakiisa rin
SINABI ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na kasama niya ang mga mamamayan sa pananalangin na magkaroon ng makabuluhang Pasko. Sa kanyang mensahe, sinabi ng arsobispo na napapanahon ang pagdedeklara ng Simbahan mula noong Nobyembre 2014 hanggang Nobyembre 2015 bilang "Year of the Poor."
Nararapat pagtuonan ng pansin ng madla ang mahihirap sa Pilipinas at maging sa daigdig. Napapanahon din ang mensahe ng Pasko para sa mahihirap at nawa'y maging higit na masigasig ang paglaban sa human trafficking at mga bagong uri ng pang-aaalipin.
Humiling din siya ng panalangin sa ikapagtatagumpay ng pagdalaw ni Pope Francis sa susunod na taon.
Sa panig ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sinabi niyang angkop na magpasalamat sa sa Diyos sa pag-asang ibinigay sa sanglibutan. Kailangan lamang ng humiling sa Panginoon na higit na mamulat ang mga mamamayan sa pangangailangan ng kapwang nasa kapaligiran.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |