|
||||||||
|
||
Aaron Kwok
|
Iba't-iba ang katangin ng "Four Heavely Kings," at si Aaron Kwok ang pinakamahusay sa kanila pagdating sa pagsasayaw. Sa entablado, palaging sumasayaw habang kumakanta si Aaron, at ang kanyang concert ay binubuo ng kanta at sayaw. Sabi ni Aaron, si Micheal Jackson ang kanyang idol. Siya rin ang tanging tao sa Tsina na kayang gawin ang 45 degree angle dance ni Michael. Dahil dito, natuwa si Michael kay Aaron. Sabi ni Michael, minsan lang siya bumili ng CD ng mang-aawit na Tsino, at ito ay CD ni Aaron Kwok. Nakipagkooperasyon din si Aaron kay Janet Jackson, kapatid na babae ni Michael. Sa Music Video na pinamagatang "Ask For More" ni Aaron, magkasama silang sumayaw ni Janet.
Karamihan sa mga awit ni Aaron ay kailangang sayawin, mabilis ang ritmo ng mga ito. Ang "Para Para Sakura" ay theme song ng pelikulang "Para Para Sakura." Sa pelikulang ito, gumanap si Aaron bilang dance instructor. Ang pinakakilalang eksena sa pelikula ay ang pagsasayaw ni Aaron kasama ng maraming dalaga sa tabi ng mga puno ng sakura. Pagkaraang ipalabas ang pelikulang ito, maraming tao ang gumaya sa kanya. Siya ang nagging pioneer ng sayaw ng "Para Para."
Sa katotohanan, nang simulan ni Aaron ang kanyang karera sa pagkanta, siya ay ang naging model ng maraming tao. Noong 1990, naging kilala si Aaron dahil sa pagganap sa isang anunsiyo sa Taiwan. Pagkaraan nito, bumalik siya sa HongKong at inilabas ang unang album na pinamagatang "Loving you forever." Mula noon, nagsimula ang kanyang karera sa musika.
Noong panahong iyon, ang hair style ni Aaron ay ginaya ng maraming bata sa HongKong, Taiwan, at Mainland. Ngayon, kahit middle-aged na ang mga batang gumaya kay Aaron, ang hair style nila ay ganoon pa rin, isang palatandaan ng kanilang pag-alala sa dekada nobenta.
Iba si Aaron kumpara sa iba pang pop stars ng HongKong. Karamihan sa mga pop stars ng HongKong ay nagsimula mula sa pagkanta ng Cantoness song, pagkaraan maging kilala, nag-aral sila ng mandarin para pumasok sa pamilihan ng mailand. Ngunit, si Aaron ay iba. Nagsimula siya mula sa pagkanta ng Mandarin, at pagkaraang bumalik sa HongKong, doon lang siya kumanta ng Cantonese. Tungkol dito, ipinaliwanag ni Aaron na kailangan niyang magsikap para matandaan ang mga lyrics.
Bukod sa mas maraming pagsisikap para matandaan ang lyrics, kailangan din ang malakas na katawan. Sabi ni Aaron, nag-eensayo siya ng 30 minuto hanggang isang oras bawat araw. At ito aniya ay nakakatulong sa pagsayaw at pagkanta. Aniya, tumatakbo siya bawat araw nitong nakalipas na mahigit 10 taon. Kahit natapos niya ang trabaho ng 3am, tumatakbo pa rin siya sa treadmill.
Ngayon, ang 3 sa "Four Heavely Kings" ay dumako sa ibang direksyon, gaya ng pagganap sa pelikula, o sa pangkawanggawa. Si Aaron ay nanatili sa pagkanta at pagsasayaw sa entablado. Aniya, gusto niya ang entablado at ayaw niyang tumalikod mula sa mundo ng pagkanta. At ngayon, mukhang bata pa rin ang hitsura ni Aaron at malakas din ang kanyang katawan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |