Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Faye Wong, nagkakaibang mang-aawit na babae II

(GMT+08:00) 2014-12-23 16:12:59       CRI

Si Faye Wong ay kakaiba sa mga mang-aawit na babae dahil sa kanyang unique na estilo ng pag-awit at karakter. Naging natatangi ang estilo ni Wong mula nang ilabas niya ang Cantonese album na pinamagatang "Hold on Obstinately to." Moderno ang kasuutan at makapal ang made-up ni Wong. Ang carrier single na "Hold on Obstinately to" ay ang kauna-unahang beses na paglikha ni Wong ng sariling lyrics, at ito ay nagpapakita ng kanyang sariling karakter. Nakuha ni Wong ang Top Ten Chinese Gold Songs Award at Top Ten Golden Song Award dahil sa awiting ito.

Noong 1994, inilabas ni Wong ang "Woolgather." Mula sa album na ito, ihinalo ni Wong ang elementong Ingles sa musika ng HongKong para makalikha ng bagong estilo.

Sa album na "Woolgather," binago at kinanta ni Wong ang awiting "Dreams" ng bandang "The Cranberries," isang napakakilalang bandang Irish noong dekada 90. Sila ay may malaking impluwensiya kay Wong. Kinopya ni Wong ang "nasal singing" ni Dofores, lead singer ng "The Cranberries."Sa awiting ito, ginamit ni Wong ang pharyngeal style sa maraming pagkakataon, at ito ang naging estilo ni Wong.

Noong Nobyembre ng 1994, inilabas ni Wong ang kanyang ikalawang Mandarin album na pinamagatang "Langit." Sa carrier single ng album na ito na pinamagatang "Langit," napakalinis ang boses ni Wong, at taong taon para sa mga taong mahilig makinig ng musika, ito ang pinipili nilang pakinggan. Ang album na ito ang ginagamit nila. Maganda rin ang sales volume nito. Sa buong Asya, nakabenta ito ng mahigit 3.5 milyong piraso.

Noong 1996, inilabas ni Wong ang "Fickleness." Sa album na ito, inalis ni Wong ang elementong komersyal at sinubukan ang purong elemento ng musika. Kahit hindi maganda ang sales bolum, dahil sa kanyang inobasyon, lumitaw si Wong sa cover ng "Time Magazine."

Naging kilala si Wong sa Mailand China dahil sa kanyang pagtatanghal sa 1998 CCTV Evening Gala. Doon, magkasama nilang kinanta ni Na Ying, kilalang mang-aawit ng Mainland, ang "Tayo nang magtagpo sa 1998" .

Bukod sa musika, gumanap din si Wong sa pelikula. Noong 1994, sa pelikulang "ChungKing Express" ni Wong Kar-Wai, gumanap si Wong bilang pangalawang leading role at kumanta ng mga Original Sound Track. Pagkaraang ilabas ang pelikula sa Hapon, inanyayahan siya ng Square-Enix, isang entertainment company upang awitin ang "Eyes on Me," para sa kanilang napakakilalang laro "FINAL FANTASY 8."

Ang lyrics ng "Eyes on Me" ay alinsunod sa kuwento ng paglalaro. Ito ay tungkol sa pag-ibig. Nagtagpo ang lalaki at babae sa isang bar habang kumakanta ang babae. Pero, dahil sa giyera, hindi sila puwedeng maging magnobyo. Pagkaraan ng digmaan, wala na ang ganitong mga mata na tumititig sa babae sa bar.

Si Faye Wong ay kakaiba sa mga mang-aawit na babae, hindi lamang sa kanyang unique na estilo ng pag-awit, kundi sa kanya ring karakter. Kapwa sa pag-awit at pamumuhay, pinili niyang sundin ang sariling puso. Pagdating sa pag-ibig, ganoon din. Dalawang beses siyang nagpakasal, mayroon siyang dalawang anak, at ngayon, magnobyo sila ni Nicholas Tse, isang multi-talented na artista na 11 taong bata sa kanya. Ang kanyang paghahanap ng tunay na pag-ibig ay tulad ng kanyang awit na pinamagatang "To Love."

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Faye Wong, nagkakaibang mang-aawit na babae 2014-12-09 16:44:36
v Anita Mui 2014-11-17 16:19:19
v Leslie Cheung 2014-09-16 10:48:33
v Alan Tam Wing-lun 2014-09-10 09:31:00
v Second Hand Rose & Er Ren Zhuan 2014-08-25 17:24:10
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>