|
||||||||
|
||
Leon Lai Ming
|
Noong unang dako ng dekada nobenta, nagbago ang direksyon ng karera ng dalawang big stars na sina Leslie Cheung at Alan Tam, kaya naman, lumitaw ang mga bagong stars. Ang tinaguriang "Four Heavenly Kings" ang nakakuha ng halos lahat ng gantimpala sa sirkulo ng pop music ng HongKong, at tinanggap sila ng mga mamamayan. Ngayong gabi, isasalaysay muna natin ang istorya ni Leon Lai Ming.
Isinilang sa Beijing noong 1966 si Leon Lai Ming sa isang intellectual family. Natapos ng kanyang tatay ang pag-aaral sa Peking University. Noong 1970, lumipat si Leon sa HongKong kasama ng mga magulang. Mabilis siyang naging pamilyar sa pamumuhay roon at nakakuha ang magandang marka sa pag-aaral.
Dahil isinilang sa isang intellectual family, mahusay ang kanyang pagganap sa pelikulang "Forever Enthralled," at ito ay naging isang klasikong pelikula.
Naging kilala si Leon mula noong 1990. Inilabas niya ang unang album at mula noon, nakamit niya ang iba't ibang gantimpala.
Mula pagpasok sa sirkulo ng pop music hanggang sa pagkakamit ng gantimpala ng HongKong noong 1999, nakuha ni Leon ang maraming mahalagang parangal mula sa IFPI. Noong 1994, nakuha niya ang unang puwesto sa IFPI dahil sa kantang "I miss you everday."
Mula noong 1996 hanggang 1998, taun-taong nakukuha ni Leon ang unang puwesto sa IFPI. Para bigyan ng pagkakataong sumikat ang mga bagong mang-aawit, noong 1999, tinalikuran niya ang IFPI. Kasabay niyang tumalikod sa mundo ng pagkanta ang isa pang big star na si Jacky Cheung. Mula noon, dumako sa ibang direksyon ang karera ng "Four Heavenly Kings." Si Leon ay pangunahing nagtanghal sa pelikula, nagpatakbo ng negosyo, naghubog ng mga new comers at gumawa ng mga gawaing pangkawanggawa.
Mahusay ang pagganap ni Leon sa mga pelikula. Noong 2002, nakamit ni Leon ang Best Actor sa Ika-39 na Golden Horse Award dahil sa kanyang pagganap sa isang horror movie na pinamagatang "Three: Going Home." Ngayon, pakinggan natin ang isa pang awit ni Leon na nakakuha ng Best Movie Song ng Hong Kong Film Awards noong 1998.
Bukod dito, mahilig din si Leon sa gawaing pangkawanggawa. Siya ang Rehente at Pangalawang Puno ng The Community Chest. Noong 2010, pinagkalooban siya ng passport ng United Nations International Children's Emergency Fund o UNICEF. Karamihan sa mga awit ni Leon ay dahan-dalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |