|
||||||||
|
||
Maarte--Beyond
|
Itinatag sa Hongkong noong 1983, ang bandang "Beyond," ang kauna-unahang maimpluwensiyang banda ng rock and roll sa Tsina. Ang Beyond ay nagsilbing isang medelo sa sirkulo ng musika, na parang big brother ng mga sumunod na henerasyon.
Mula sa "The Beatles," nilikha ng rock and roll ang tradisyon ng pagpapahalaga sa kapayapaan. Ipinagpatuloy din ng "Beyond" ang tradisyong ito. Ang masterpiece ng Beyond na may pamagat ba "Glorious days" ay ginawa noong 1990 bilang pagkatig kay Nelson Mandela, na noon ay nakakulong. Ayon kay Wong Ka Kui, vocalist ng "Beyond," si Mandela ay simbolo paglaban at pag-asa, ito ay kapareho ng mahirap na simula ng banda sa Hongkong.
Pagkaraan ng Unang Gulf War noong 1990, pansamantalang pumapayapa ang daigdig. Sinulat ni Wong Ka Kui, ang awit na pinamagatang "AMANI" para ipakita ang pag-asa ng mga tao sa pangmatagalang kapayapaan. Ayon sa kanta, dapat magsikap ang lahat para makuha ang nasabing kapayapaan. Ang "AMANI" ay wika ng Aprika na nangunguhulugang "Kapayapaan." Ang lyrics "KAKUPENDANAKUPENDAWEWE" ay nangangahulugang "Mahal naming kayo," at ang "TUNETAKEWEWE" ay, "Kinakailangan naming kayo."
Noong maitatag ang banda, mahirap ang mga miyembro. Pagkaraang bumili ng mga instrumento, higit pa silang naghirap. Isang araw, habang naglalakad si Wong Ka Kui sa overpass, biglang hinawakan ng isang pulubi ang kanyang gitara. Sabi ni Wong sa pulubi na wala siyang pera. Sabi naman ng pulubi na hindi siya humihingi ng pera, gusto lang niyang ikuwento kay Wong ang dating pangarap. Nag-usap ang dalawa tungkol sa dating pangarap ng pulubi.
Na-inspire si Wong sa karanasan ng pulubi at naging mas matatag siya sa pag-abot ng kanyang pangarap. Kaya, sinulat ni Wong ang isang awit na pinamagatang "Dance of the Past" bilang paggunita sa kunwentong ito. Ang awiting ito ay nagpapakita ng pag-asa sa muling pag-abot ng pangarap.
Noong 1989, sa ika-4 na album, kauna-unahang nakipagtulungan ang Beyond kay Sui Mei, isang kilalang song writer ng HongKong at matalik na kaibigan ni Wong Ka Kui. Ang nanay ni Wong ay nagbigay ng malalim na pagmamahal kay Sui, kaya para pasalamatan ang sariling nanay at papurihan ang pagmamahal ng nanay ni Wong, ginawa ng Beyond ang "I do love you." Si Sui Mei ang sumulat ng lyrics nito. Sa pagdalaw sa mga kabataan sa Aprika ng Beyond, naragdagan ng bagong kahalagahan ang awiting ito. Ang "I do love you" ay nagpapakita ng universal love.
Noong 2004, ika-21 taon ng pagkakatatag ng "Beyond," nagkamit ito ng Best Original Film Song sa Hong Kong Film Awards dahil sa nilikha nitong awit "Vast Sky" para sa "Infernal Affairs." Ang kagawarang ito sa Hongkong ay katumbas ng Oscar ng Hollywood.
Hindi palagiang maalwan ang pag-unlad ng "Beyond." Ang pinakamalaking turning point ng banda ay nang mamatay ay vocalist nitong si Wong Ka Kui. Noong 1993, sa kanyang paglahok sa TV program sa Hapon, nahulog siya mula sa 3 metrong taas na plataporma at namatay. Si Wong Ka Kui ang kaluluwa ng "Beyond." Hindi lamang siya mahusay sa paggawa ng lyrics at himig, ang kanyang mataas na boses ay isa sa mga katangian ng "Beyond."
Ang kantang "As Boundless as the Sea and Sky" na ginawa ni Wong Ka Kui ay ganap na nagpapakita ng kanyang talento. Hindi na nagdagdag ang banda ng bagong miyembro mula roon at ipinagpatuloy ang pangarap na musika ni Wong Ka Kui. Hanggang ngayon, bawat taon, idinaraos ng "Beyond" at mga fans nito ang aktibidad ng paggunita, at kinakanta ang "As Boundless as the Sea and Sky."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |