|
||||||||
|
||
20150127Meloreport.m4a
|
TINIYAK ng pamahalaan na magkakaroon ng pagsisiyasat sa pagkasawi ng mga pulis na kabilang sa Special Action Force. Isang Board of Inquiry ang gagawin o bubuuhin ng Philippine National Police upang mabatid ang ugat ng pangyayari noong nakalipas na Linggo.
Sa isang press briefing na dinaluhan nina Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina, Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa, Kalihim Manuel Roxas II ng Interyor at Pamahalaang Lokal, tiniyak ng pamahalaan na aalamin kung ano ang tunay na naganap sa Mamasapano, Maguindanao, may 30 minuto (ang layo) mula sa Cotabato City.
Ayon sa mga balitang mula sa Cotabato, niliwanag ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal (na) iba ang mga armadong nakasagupa ng mga pulis sapagkat kabilang sila Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba naman ang armadong kabilang sa Moro Islamic Liberation Front.
Magkakaroon din ng pagsisiyasat ang Senado ng Pilipinas sa pangyayari sa Maguindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |