|
||||||||
|
||
MILF, nalungkot sa pangyayari
IPINARATING ng Moro Islamic Liberation Front ang kanilang panigsa naganap na sagupaan sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao. Nagsimula umano ang sagupaan noong alas dos y media ng madaling araw noong Linggo at tumagal ng ilang oras. Limang MILF ang nasawi, ayon sa website ng samahan.
Maliwanag sa kanilang website na ang sagupaang naganap sa barangay ay nilahukan pa ng mga armadong mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters\s na may kampo rin sa barangay.
Kailangan umanong magkaroon ng pagsisiyasat bago maglabas ng pormal na pahayag mula sa International Monitoring Team.
Ayon kay Mohager Iqbal, ang chief negotiator ng MILF, naganap ang sagupaan sapagkat walang koordinasyon sa naganap na operasyon ng SAF. Nasagasaan umano ng mga pulis ang mga MILF.
Ani G. Iqbal nasagasaan din ng mga pulis ang mga armadong kabilang sa BIFF.
Sa pahayag ng MILF sa kanilang website isang nagngangalang "Marwan," isang teroristang pinaghahanap ng Estados Unidos at Federal Bureau of Investigation na nag-alok ng $ 5 pabuya sa anumang impormasyon sa kanyang pagkakadakip.
Kumpirmado ni Mayor Benzar Ampatuan ang malalakas na pagsabog at putok ng baril mula sa pook ng sagupaan at tinawagan ang mga barangay chairmen na tiyaking ligtas ang mga mamamayan. Dalawang sibilyan ang nasugatan at pinagtatangkaan pang mailikas ang nagipit na sibilyan.
Sinabi naman ni Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF na naganap ang sagupaan ng pagtangkaan ng pulisyang salakayin ang pinaghihinalaang pinagtataguan ni Basit Usman na tahanan ng isang Ustadz Manan, isang sub-commander ng MILF 105 base command sa ilalim ni Zacaria Goma.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |