|
||||||||
|
||
Philippine Red Cross, nababahala sa naganap sa Maguindanao
NANGANGAMBA ang Philippine Red Cross, kasama ang International Committee of the Red Cross at and International Federation of the Red Cross and Crescent Societies sa kaguluhang naganap sa Maguindanao na ikinasawi ng mga pulis at mga Muslim.
Nalulungkot ang samahan sa pagkawala ng buhay at nanawagan sa magkabilang panig na pigilan ang pagdanak pa ng dugo sa Maguindanao. Makakaapekto ito sa kalagayan ng mga mamamayan sa kapaligiran.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon, nakikiisa sila sa magkabilang panig at nangako ng tulong sa magkakabilang panig.
Nakahanda rin ang Red Cross Cotabato Chapter na tumulong at makiisa sa pagsusuri sa naganap. Liban sa paghahatid ng dugo, naghahanda rin ang kanilang samahan sa pagpapadala ng relief goods, medical assistance, recovery at transport assistance matapos lumabas ang balita na may 1,200 katao na ang nagsilikas mula sa Mamasapano, Maguindanao.
Isang neutral at impartial organization ang Red Cross at mga kabalikat na samahan ay magbibigay ng tulong sa mga biktima ng insidente. Nagdala na ng dugo ang Red Cross sa lahat ng mangangailangan, maging sa panig ng pulisya o ng mga rebelde.
Ang mga na sa Red Cross movement ay naniniwalang ang mga sugatan at maysakit ay nararapat mabigyan ng medical care at humanitarian assistance anuman ang paniniwala ng mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |