Pilipinas, nakiisa sa pagkondena sa pagpaslang sa isang Hapones
NAKIISA ang Pilipinas sa international community sa pagkondena sa pagpaslang sa isang Hapones na kinilalang si Haruna Yukawa sa kamay ng mga armado sa Gitnang Silangan.
Sa isang pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, walang anumang kalalagyan ang pagpaslang na ito sa sibilisadong lipunan. Nakikiisa ang Pilipinas sa Pamahalaan ng Hapon at sa international community kasabay ng panawagang masugpo ng ekstremismo, terrorismo at mga krimeng laban sa sangkatauhan.
1 2 3 4