|
||||||||
|
||
Mga labi ng napaslang na pulis, nadala na sa Maynila; Pangulong Aquino, 'di nakasalubong
LARAWANG KUHA SA PAGDATING NG MGA LABI NG NAPASLANG NA PULIS. Ang larawang ito ay kuha ng isang drone ng Philippine Air Force sa isinasagawang arrival ceremony sa Villamor Air Base para sa mga napaslang na pulis sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo. Magkakasunod na dumating ang tatlong AFP C-130 cargo planes kaninang umaga mula sa Cotabato City. (Larawan ng Philippine Air Force)
MALUNGKOT ang eksenang naganap sa Villamor Air Base kanina sa pagdating ng apatnapu't dalawang labi ng mga pulis na napaslang sa Mamapasapano, Maguindanao noong nakalipas na Linggo. Binigyan ng kaukulang arrival honors ang mga napaslang.
Noong nakalipas na Huwebes, ika-15 ng Enero, pagbubunyi ang naganap sa Villamor Air Base sa masayang pagsalubong kay Pope Francis.
Walang Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na sumalubong sapagkat dumalo sa pagpapasinaya ng pagawaan ng kotseng Mitsubishi sa Santa Rosa City sa Laguna. Nagtalumpati pa siya sa okasyon. Kasama niya sina Trade and Investment Secretary Gregory Domingo at Cabinet Secretary Rene Almendras.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi naman niya binalewala ang okasyon. Wala sa kanyang schedule ang pagdalaw sa Villamor Air Basse subalit mamumuno siya sa necrological service sa Camp Bagong Diwa bukas.
Isinakay ang mga labi sa tatlong AFP C-130 planes mula sa Maguindanao kaninang umaga.
Naroon sa Villamor Air Base sina Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, Interior and Local Government Secretary Manuel Aranete Roxas II at Senador Ferdinand Marcos, Jr.
Kagabi, idineklara ni Pangulong Aquino ang araw ng Biyernes bilang pambansang araw ng pagluluksa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |