|
||||||||
|
||
Malacanang nanawagan sa mga pulis: Huwag kayong magbakasyon
NANAWAGAN si Secretary Herminio Coloma, Jr. sa mga nagtapos sa Philippine National Police Academy na huwag ituloy ang kanilang panukalang sabayang pagbabakasyon bilang protesta sa naganap sa Maguindanao.
Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni Secretary Coloma na nauunawaan nila ang emosyon at malalakas na damdamin at sana ay mabalanse ang pananaw at huwag lamang masdan ang kasalukuyang situwasyon.
Idinagdag pa ni G. Coloma na napakahalaga umano ng pagkakaisa sa nagaganap ngayon.
Ayon sa PNPA Alumni Association, Inc. sa kanilang pahayag kahapon na mananawagan sila sa may 4,000 kasapi na sabay na magbakasyon upang magprotesta sa pagkakasawi ng 44 na Special Action Force commandos sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay PNPAAI chairman, retired General Tomas Rentoy III, hihilingin nila sa mga nagtapos sa PNPA na mag bakasyon ng limang araw. Ang bakasyon ay magiging boluntaryo.
Sa 44 na napaslang, pito ang nagtapos sa PNPA. Ang mga nagtapos sa PNPA ay nahahati sa tatlo, sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology at sa Bureau of Fire Protection.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |