|
||||||||
|
||
Eason Chan
|
Noong 21 taong gulang siya, bumalik siya sa HongKong sa panahon ng kanyang summer vacation, at mula noon, opisyal niyang sinimulan ang kanyang karera sa musika. Lumahok si Eason sa isang singing contest na itinaguyod ng Television Broadcasts Limited o TVB. Natamo niya ang pinakamataas na marka, at nilagdaan ang kasunduan sa Capital Artist Records. Pagkaraan ng isang taon, inilabas niya ang unang album na pinamagatang "Eason Chan."
Noong 1996 hanggang 1999, naging kilala si Eason kasabay ng paglabas ng mga album niyang gaya ng "Happiness," "May God bless the loved," at "New Life."
Dahil sa talento at pagsisikap ni Eason, natamo niya ang pagtanggap ni Anita Mui, "Big Sister" sa sirkulo ng musika ng HongKong.
Noong 1999, unang magkasamang inawit nina Eason at Anita ang "Share the Same Feeling of Loss." Noong 2003, sa mga farewell concert ni Anita, inanyayahan niya si Eason para mag-guest.
Noong 2000, dumako si Eason sa Music Plus, isang brand sa ilalim ng Emperor Entertainment Group Limited o EEG. Mula roon, ang kanyang karera ay umakyat.
Patuloy siyang naglabas ng mga album at mainit naman itong tinangkilik ng mga tao. Umakyat sa unang puwesto sa billboard ang mga kanta niyang gaya ng "intimate," "Shall We Talk,"" King of Karaoke Songs," "Today Next Year."
Sa kanyang panahon sa EEG, natamo ni Eason ang maraming gantimpala. Halimbawa, noong 2001 at 2002, nakuha niya ang unang puwesto sa Ultimate Song Chart Awards Presentation.
Noong 2003, nakuha niya ang pinakamataas na award sa sirkulo ng musika ng Tsina, sa Taiwan Golden Melody Awards, dahil sa album na pinamagatang "Special Thanks To...," Nakuha rin niya ang Best Mandarin Male Singer Award. Siya ang naging ikalawang mang-aawit ng HongKong na nakakuha ng ganitong gantimpala maliban kay Jacky Cheung. Nakuha rin ng kanyang album ang Best Album. Kaya, siya ang unang mang-aawit mula sa HongKong na nakakuha ng kapwa gantimpala.
Sa likod ng matagumpay ni Eason, may isang mabait na babaeng palaging sumusuporta sa kanya: siya ay si Hilary. Noong 1997, nakilala ni Eason si Hilary Tsui. Noong panahong iyon, si Hilary ay isang aktres. Kasabay ng pag-ahon ng karera ni Eason, unti-unting tumigil si Hilary sa pag-arte. Noong 2004, nasadlak sa pinakamababa ang kapwa karera at buhay ni Eason. Nabilanggo ang tatay ni Eason at natapos na ang kanyang kontrata sa EEG. Sa panahong ito, palaging nasa tabi ni Eason si Hilary at tinulungan niya si Eason sa maraming bagay. Noong 2004, ipinanganak ang anak na babae ni Eason. Mula noon, muling sumigla at umahon ang kanyang karera.
Noong 2006, inilabas ni Eason ang kanyang unang EP na pinamagatang "Life Continues." Dito, ipinakita ang masayang pamumuhay ng pamilya. Mula noong 2005 hanggang ngayon, nasa Cinepoly Record. Co.Ltd si Eason. Sa kanyang unang album na "U87" 4 na carrier single ang nakakuha ng unang puwesto sa mga billboard ng iba't ibang mass media.
Walang limitasyon ang pagkanta ni Eason, mahusay siya sa love songs, Jazz, Hip-hop, Rap at R&B. Mataas ang pagtasa ng Time (Magazine) kay Eason. Anito, si Eason ay nangunguna sa trend ng musika ng HongKong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |