Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Andy Lau

(GMT+08:00) 2015-02-11 16:06:01       CRI

Noong dekada nobenta, ang era ng "Four Heavenly Kings" ng Hong Kong. Noong nagdaang tatlong episode, isinalaysay natin sina Leon Lai Ming, Jacky Cheung at Aaron Kwok. Ngayong gabi, si Andy Lau naman ang ating pag-uusapan.

Iba't-iba ang katangin ng "Four Heavely Kings," at si Andy Lau ang pinakamasipag sa kanila. Sinabi ni Aaron Kwok, kapag pagod na siya at gusto siyang magpahinga, tinitingnan niya si Andy Lau na nagsisikap.

Komprehensibo ang pag-unlad ng karera ni Andy Lau. Sa simula, si Andy ay naging kilala bilang isang aktor sa TV Series, pagkaraan nito, siya ay naging miyembro ng "Four Heavely Kings." Ngayon, siya ay isang matagumpay na negosyante sa sirkulo ng pelikula.

Noong 1981, si Andy Lau ay naging miyembro ng isang klase ng pagsasanay ng mga aktor para sa Television Broadcasts Limited o TVB ng HongKong. Isang taon ang dumaan, nagtapos siya nang may mabuting marka, at siya ay naging aktor ng TVB. Noong 1983, siya ay isa sa limang pinakasikat na aktor na lalaki ng TVB. Noong pahanong iyon, sikat ang isang TV series na pinamagatang "The Legend of Condor Hero." Ito ay kuwento ng mag-nobyong sina Yang Guo at Xiao Longnv at mga pangyayari sa lipunan ng mga Kungfu masters. Si Andy ang gumanap bilang Yang Guo. Mahusay ang kanyang pagganap at tumanggap siya ng maraming papuri mula sa mga manonood. At si Yang Guo naman ay naging klasikong karakter ng mga Kungfu TV series.

Kinanta rin ni Andy ang "17 Years Old." Ang awit na ito ay naglalarawan sa kanyang karanasan sa paglahok sa singing contest noong 17 taong gulang siya, at pagpasok sa klase ng pagsasanay ng mga aktor. Pagkaraan ng isang taong pagsasanay, si Andy Lau ang naging leading role. Para sa kanya, ito ay biglaan.

Noong 1984 at 1985, dahil ayaw ni Andy na lumagda sa 5 taong kasunduan sa TVB, tinanggal ng TVB si Andy sa papel na iyon. Ito ang unang balakid sa karera ni Andy at nagpago sa direksyon ng pagkanta.

Noong 1985, inilabas ni Andy ng unang album na pinamagatang "I Only Know that I Still Love You," pero hindi ito naging popular. Noong 1987, ang "Forbidden Love" ang kanyang unang kilalang kanta.

Mula noong 1990's, pumasok ang singing career ni Andy Lau sa golden age, at siya ay naging isa sa "Four Heavenly Kings." Noong 1990, inilabas ni Andy ang kanyang kauna-unahang album na pinamagatang "If you are my tales," at ang bilang ng benta nito ay umabot sa 1.5 milyon sa Timog Silangang Asya. Noong 1991, inilabas naman niya ang dalawang album "Endless Love" at "As Time Goes By" at kapuwa natamo ng mga ito ang tagumpay. Ang mga ito rin ay naging dalawa sa TOP 20 pinakapopular na album ng PolyGram Record Company sa kasaysayan.

Mula noong 1992, tinawag si Andy Lau ng Hong Kong media bilang isa sa "Four Heavenly Kings," at pagkaraan nito, mas lalo pang nagtagumpay ang singing career ni Andy. Mula noong panahong iyan, tuluy-tuloy siyang naglabas ng mga klasikong kanta. Halimbawa, "Cold rain," isang master piece na inilabas ni Andy noong 1994.

Noong 1995, sa paanyaya ng CCTV, national TV station ng mainland ng Tsina, nagtanghal si Andy sa CCTV evening gala, isang TV show na may pinakamalaking impluwensiya sa mainland ng Tsina. Kumanta dito si Andy ng isang awiting kung tawagin ay "Forget Love Potion" at dahil sa malaking impluwensiya ng CCTV Evening Gala, ang awit na ito ay mabilis na naging pinakapopular sa mainland ng Tsina sa panahong iyan.

Noong 1997, kinanta ni Andy ang isang patriotic song bilang paggunita sa pagbabalik ng Hong Kong sa Tsina, ito ay may pamagat na "Mga Tsino." Noong 2005, nagtanghal siya muli sa CCTV Evening Gela at kumanta siya ng isang awit na pinamagatang "Gong Xi Fa Cai" o "Kung Hei Fat Choy" para sa mga Tsino sa buong daigdig. Hanggang ngayon, kapag Spring Festival naririnig ang awting ito sa mga purok kung saan naninirahan ang mga Tsino, kasi "Gong Xi Fa Cai" ay karaniwang greetings ng mga Tsino sa Spring Festival. Ito ay nangangahulugang "Wish you have good fortune."

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Eason Chan 2015-02-04 16:19:55
v Rene Liu 2015-01-26 17:46:22
v Beyond 2015-01-16 16:16:24
v Leon Lai Ming 2015-01-12 17:22:59
v Aaron Kwok 2015-01-12 17:04:30
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>