Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming nararapat gawin para sa Edukasyon

(GMT+08:00) 2015-02-19 17:50:15       CRI

DALAWANG katotohanan ang hinaharap ngayon ng Pilipinas, ang mataas na unemployment rate at at mataas na poverty level. Sa ganitong pagkakataon nararapat mapalalim ang pag-unawa sa pagsasama ng dalawa at sa epekto nito sa ekonomiya at mga mamamayan.

Ito ang sinabi ni G. Edgardo Lacson, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines sa ika-14 na pagpupulong ng Philippine Council of Deans and Educators for Business na idinaos sa Hotel Jen sa Pasay City.

MARAMING GAGAWIN SA SEKTOR NG EDUKASYON.  Ito ang sinabi ni Employers Confederation of the Philippines President Edgardo Lacson sa mga dekano ng mga dalubhasaan at pamantasang sangkot sa kalakalan sapagkat magsisimula na ang ASEAN Economic Community.  (File Photo/Melo M. Acuna)

Sinabi ni G. Lacson na sampung bansa sa rehiyon ang magsasama-sama at magiging iisang pamilihan at production base na katatagpuan ng malayang paggalaw ng mga paninda, manggagawa, at kapital sa pamamagitan ng mutual recognition agreement. May halos kalahating bilyong mamamayan sa rehiyon na layuning tumapat sa iba pang global economic clusters tulad ng European Union, Trans-Pacific Partnership (TPP), Brazil, Russia, India, China at South Africa (BRICS).

Sa katatapos na taong 2014, umabot sa 41 milyong mamamayan ang nakabilang sa workforce ng bansa samantalang ang unemployment at underemployment ay halos umabot sa 25% o 11 milyong Filipino. Walang employment opportunities, mabagal ang pagpasok ng foreign at domestic investors samantalang 'di magkatugma ang kailangang manggagawa sa industriya sa pagsasanay na ibibinigay ng mga paaralan at training institutions.

Mayroong mismatch sa mga nakalipas na dekada kahit pa mayroong 10 milyong mga manggagawang Filipino sa iba't ibang bansa.

Niliwanag ni G. Lacson na isinasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas, ipagsasanggalang ng estado at isusulong ang karapatan ng mga mamamayan upang magkaroon ng garantisadong edukasyon ang lahat ng mga kabataan upang magtamo ng maayos na hanapbuhay.

Sa larangan ng pribadong sektor ulat ng ECOP, mayroon silang kabalikat mula sa pamahalaan, akademya at maging sa kalakal upang mabatid ang kailangan ng mga pamahalaan, akademya at kalakal. Ang pagkakaroon ng job mismatch ay dahilan sa kakulangan ng sapat na pagawaing bayan at support facilities upang magkaroon ng de kalidad at kailangang edukasyon. Patuloy umanong lumalaki ang school age population ng bansa, kakulangan ng may kakayahang mga guro ay sinaunang curriculum na kailangang isaayos.

Nararapat ding pagbalik-aralan ng pamahalaan ang salaping inilalaan para sa edukasyon, luwagan ang mahihigpit na mga regulasyon sa pagpapatakbo ng mga paaralan at isara ang mga below standard na kolehiyo at pamantasan upang magkaroon ng mahalagang edukasyon sa lahat ng mga mamamayan.

Kailangan din ng industriya ng matatag na alituntunin mula sa pamahalaan upang magkaroon ng magandang business environment na magtataguyod ng productivity at competitiveness upang magkaroon ng mas maraming trabaho para sa mga nakapagtapos ng pag-aaral.

Kailangang magtulungan ang social partners sa ilalim ng tripartism. Sa larangan ng Edukasyon, kailangang magkaroong ng maayos na pagbabalik-aral kung paano mapalalakas ang kahandaan ng bansa sa pagsisimula ng pinag-isang ASEAN economy.

Nararapat ding suriin ang K+12 sapagkat may mga nangangamba at malubhang apektado sa kanilang financial operation sa susunod na dalawang taon sa pagpapatupad ng programa. Dalawang taong walang papasok sa mga kolehiyo at pamantasan para sa freshman at sophomore years. Mawawala rin ang mga guro at maaaring hindi na maibalik pa.

Dapat ding suriin ang mataas na dropout rates mula sa primary hanggang secondary at secondary patungo sa tertiary. Maraming apektado sa bagong programa at baka mawala ang mga nakamtang kabutihan ng mga nakalipas na programa. Mas maraming mga kabataang makakasama ng mga tinaguriang "batang hamog" na siyang magpapahirap sa budget ng DSWD.

Nanawagan din si G. Lacson sa pamahalaan na suriin din ang apat na dekada nang Labor Code of the Philippines na nabuo pa noong Batas Militar. May mga alituntunin itong nakasasama sa investments at pagkakaroon ng dagdag na hanapbuhay.

Marahil sa Pilipinas lamang matatagpuan ang batas na nagbibilanggo sa mga may kumpanya sa paglabag sa Labor Code hindi sa kasamaan kungdi sa external factors na walang magagawa upang maituwid tulad na global economic meltdown, mga kalamidad mula sa malalakas na bagyo hanggang sa sagupaan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>