![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pangulong Aquino, magdedesisyon kung ihahayag ang kanyang nalalaman sa Mamasapano
SINABI ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na magdedesisyon si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa takdang panahon kung ihahayag niya sa publiko ang kanyang nalalaman sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na buwan.
Ito ay kasunod na pagharap ni Pangulong Aquino kagabi sa mga pamilya ng 44 na tauhan ng Special Action Force na napaslang sa Maguindanao. Kinausap ng pangulo ang mga pamilyang naulila samantalang tumatanggap ng briefing hinggil sa compensation packages na ipinangako sa kanila ng pamahalaan kasunod ng madugong sagupaan.
Dumating si Pangulong Aquino upang magbigay ng update sa tayo ng compensation package para sa bawat pamilya. Kasama niya sina Social Welfare Secretary Corazon Julian Soliman, Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II, Justice Secretary Leila de Lima at Education Secretary Bro. Armin Luistro.
Naunang ibinalita ni Pangulong Aquino noon na ang bawat pamilya ay tatanggap ng P800,000 bawat isa bilang financial assistance. Ito ang ikalawang pagharap ng pangulo sa mga pamilyang naulila sa gitna ng mga panawagang magbitiw at batikos sa diumano'y pagtatago mula sa publiko.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |