|
||||||||
|
||
Alert Level 4, itinaas na sa Yemen
ALERT LEVEL 4 ITINAAS NA SA YEMEN. Dahil sa kaguluhang nagaganap sa Yemen, itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 na nangangahulugan ng Mandatory Repatriation. Noong Oktubre, itinaas ang Alert Level 3 subalit walang sinuman mula sa 700 mga Filipino ang nakinabang sa repatriation sapagkat mas ginusto nilang manatili at magtrabaho sa Yemen. (File Photo/Melo Acuna)
KAILANGANG lumikas na ang mga Filipino mula sa Yemen dahilan sa patuloy na pagpasok ng mga rebeldeng Houthi sa lungsod ng Sana'a at sa pansamantalang pagsasara ng mga embahada sa kapitolyo.
Itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang Alert Level 4 na nangangahulugan ng Mandatory Repatriation.
Wala ring naganap na mabuti sa negosasyong pinangasiwaan ng United nations matapos umalis ang dalawang grupo bilang protestsa sa mga ginagawa ng mga Houthi.
Itinataas ang Alert Level 4 kung mayroong nagaganap na malawakang internal conflict na kinatatagpuan ng pananalakay. Sa ilalim ng Alert Level 4, ang Pilipinas na ang gagastos sa mandatory evacuation procedures.
Isang Crisis Management Team ang ipinadala ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia, ang nasa Sana'a at handang tumulong sa mga Filipino na nais bumalik sa Pilipinas.
Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, mayroong 700 mga Filipino sa Yemen noong itaas ang Alert Level 3 noong Oktubre subalit walang sinumang umuwi sa ilalim ng repatriation program.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |