Pagdiriwang ng Chinese New Year, tagumpay
PATULOY na dumagsa ang mga taong nagdiriwang ng Chinese New Year sa pinakamatandang Chinatown sa daigdig, ang Binondo District sa Maynila. Nagdiwang ang mga tao kahit pa umambon at umulan at namimili ng mga tinaguriang "lucky charms" o pampabuenas.
Dumagsa ang mga tao sa popular na tindahan ng tikoy at hopia samantalang punong-puno ang mga kainang nag-aalok na sinasabing tunay na lutong Tsino. Sa mga tindahan at shopping malls, makikita ang mga drago at lion dancers na sumasayaw sa malalakas na tambol upang mailayo ang mga tindahan sa masasamang ispiritu at kamalasan. Karaniwang makikit ang ma pulang sobreng naglalaman ng "ang pao."
Dinagsa rin ang mga manghuhula. Sa mga hotel, may Chinese food festival at may mga konsiyerto at mga fireworks sa pagsalubong sa "Year of the Wooden Sheep." Isang non-working holiday ang Chinese New Year mula ng maluklok si Pangulong Aquino noong 2010.
1 2 3 4 5 6