|
||||||||
|
||
20150226Melo
|
DUMATING kaninang ganap na ika-11 at 18 ng umaga si French president François Hollande sa Maynla para sa dalawang araw na pagdalaw. Lumapag ang kanyang eroplano sa Ninoy Aquino International Aiport.
Sinalubong siya ni Vice President Jejomar C. Binay, Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario, Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino at Pasay City Congresswoman Imelda Calixto-Rubiano.
Kabilang sa higit sa 100 mga delegadong kasama ng pangulo ng Francia ang Hollywood actress na si Marion Cotillard na isang kilalang environmentalist at tagapagsalita ng Greenpeace. Dumalaw si Pangulong Hollande upang kumbinsihin si Pangulong Aquino na suportahan ang kanyang kampanya para sa climate change mitigation.
Bukas dadalaw sa Guian, Eastern Samar si Pangulong Hollande at makikipag-usap sa mga mamamayang binagyo noong 2013. Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng isang pangulo ng Francia mula ng matatag ang relasyong diplomatiko ng Francia at Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |