|
||||||||
|
||
Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, ipagdiriwang
MAGTATANGHAL ang Jilin Art Troupe sa panahon ng Chinese New Year at sa ika-40 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas sa darating na Miyerkoles, ika-apat ng Marso sa ganap na ikawalo ng gabi sa Cultural Center of the Philippines.
Ang pagtatanghal ay sa pagtutulungan ng National Commission for Culture and the Arts at ng Ministry of Culture ng People's Republic of China at ng Cultural Center of the Philippines. Mayroong cocktail reception sa ganap na ika-anim ng gabi.
May serye ng mga pagtatanghal sa Luneta sa Linggo, unang araw ng Marso sa ganap na ika-anim at kalahati ng gabi, sa Batangas City Convention Center sa Lunes, ika-apat ng hapon, sa Huwebes, ika-lima ng Marso sa ganap na ikawalo ng gabi sa Solaire Resort and Casino, sa ganap na ika-pito ng gabi sa Sabado, ika-pito ng Marso sa Davao City at sa ganap na ika-pito ng gabi sa Lunes, ika-siyam ng Marso sa Cebu City.
Kasama sa nagtataguyod ng mga pagtatanghal ang Department of Foreign Affairs, City Government of Batangas, National Parks Development Committee, ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. at Solaire Resort and Casino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |