Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Francia, dumating na sa Maynila

(GMT+08:00) 2015-02-26 18:33:05       CRI

Philippine Red Cross, handang tumulong sa mga nagsilikas

HANDANG tumulong ang Philippine Red Cross sa mga pangangailangan ng lkumikas sa kanilang mga tahanan dulot ng patuloy na sagupaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.

Nagsimula ang mga sagupaan noong ikatlo ng Pebrero kaya't lumikas na ang may 20,000 mga mamamayan mula sa dalawang barangay ng Pagalungan at pitong barangay ng Pikit.

Ayon kay Philippine Red Cross chairman Richard Gordon, ang humanity, impartiality at neutrality ang kabilang sa pitong fundamental principles ng Red Cross. Wala silang pinapanigan sa mga sagupaan at tumutulong ng walang pagtatangi sa mga sugatang nasa gitna ng mga magkakalabang grupo. Layunin nlang mapagaan ang paghihirap ng mga mamamayan ng walang pagtatangi sa kanilang pagkatao, lahiu, relihiyon, katayuan sa lipunan at paniniwalang politikal.

Idinagdag naman ni Cotabato Red Cross Chapter administrator Ricardo Quintayo na iniipon na nila ang kanilang mga kagamitan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga lumikas.

Samantala, nagsagawa na sila ng stress debriefing at iba pang welfare services sa mga naulila ng 44 na tauhan ng Special Action Force sa Mamasapano noong nakalipas na Enero.

May 28 mga tauhan at volunteers na nahati sa dalawang grupo ang ikinalat sa Campo Bagong Diwa at sa Camp Dangwa sa Benguet kahit pa napakahigpit ng seguridad sa tanggapan ng pulisya sa National Capital Region Police Office.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>