|
||||||||
|
||
KAHAPON inilunsad ang pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina sa pamamagitan ng pagtatanghal ng aklat na "Philippine Fiestas & Festivals: Photography" ni Donald C. Tapan. Isa ito sa serye ng mga proyektong pangkultura na magiging bahagi ng pagdiriwang.
Magkakaroon ng mga pagtatampok ng kulturang Filipino sa mga tanggapan ng mga embahada at konsulada sa Tsina, Hong Kong at Macau.
Nagtalumpati si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa Pagdiriwang.
PAGLULUNSAD NG PAGDIRIWANG NG IKA-40 TAON NG RELASYONG DIPLOMATIKO, IDINAOS SA DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS. Makikita si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa kanyang pakikipag-usap, pagtatalumpati at makikiisa sa programa sa Department of Foreign Affairs kagabi. Inilunsad with ang website na Philippines-China@40. (DFA Photos)
Kabilang sa palatuntunan ang paglulunsad ng website na Philippines-China@40 na naglalaman ng mga larawan, video at iba pang cultural at historical ties sa pagitan ng mga Filipino at Tsino.
Ayon kay Ambassador Zhao Jianhua, matagal na ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina, hamak na mas matagal sa 40 taong pormal na relasyong diplomatiko. Idinagdag pa niya na siya'y naniniwala na ang relasyong namamagitan sa dalawang bansa ay nararapat pakinabangan ng interes ng mamamayan ng magkabilang-panig.
Ayon kay Asssitant Secretary for Asian and Pacific Affairs Minda Calaguian-Cruz na isang oportunidad ito na mapalakas ang relasyong kultural ng dalawang bansa upang isulong ang people-to-people relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinamunuan ni Gng. Gretchen del Rosario, maybahay ni Kalihim Albert F. del Rosario, DFA Undersecretary Evan P. Garcia, Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, National Commission for Culture and the Arts Chairman Felipe de Leon, Gng. Armita B. Rufino ng Filipino Heritage Festival, Inc. at bantog na photographer na si Donald Tapan.
Naganap ang pagpapasinaya sa gitna ng mga larawan at saliw ng musika mula sa Ati-Atihan, Masskara, Sinulog, Panagbenga at Higantes festivals sa Department of Foreign Affairs kahapon.
Sa panig ni NCCA Chairman De Leon, sinabi niyang mahalaga ang cultural exchanges sapagkat isang paraan ito upang magkabukasan ng puso ang bawat isa.
Magtatagal ang photo exhibit sa lobby ng Department of Foreign Affairs hanggang sa darating na Miyerkoles, ika-10 ng Marso. Suportado rin ito ng Filipino Heritage Festival Inc.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |