|
||||||||
|
||
Pagsasama sa mga mahihirap, kabilang sa target ng APEC meetings
ISASAMA ANG MAHIHIRAP SA FISCAL SYSTEM. ito ang layunin ng APEC sa pagpupulong na idinaos sa Tagaytay, sa Cavite. Nagpulong ang mga delegado ng Asia Pacific economies sa Taal Vista Lodge sa nakalipas na dalawang araw. Kailangang makasama ang mahihirap sa fiscal system upang mabawasan ang kahirapan at higit na umunlad ang ekonomiya. (DFA Photo)
NANINIWALA ang mga opisyal sa larangan ng pananalapi ng APEC member countries na mahalagang makasama ang mahihirap sa mga palatuntunang ipatutupad upang makalahok sila sa financial system at mapasigla ang takbo ng ekonomiya.
Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ang layuning maisama ang mahihirap sa financial system ay mahalaga sapagkat limitado ang kanilang access kaya't kailangan silang makasama sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng mga kasaping bansa. Sa pagkakaroon ng growth, magkakaroon ng savings at magkakaroon na mas maraming investments sa mga bansang nasa Asia-Pacific Region. Ito ang kanyang binanggit sa isang press briefing sa Summit Ridge Hotel sa Tagaytay City.
Ang Kagawaran ng Pananalapi ang siyang nagtaguyod ng dalawang araw na pagpupulong hinggil sa financial inclusion sa Taal Vista Hotel. Layunin ng mga bansang madagdagan ang kalakal, investments, employment generation at mapataas ang kita ng mga mamamayan.
Sa oras na makapag-ipon ang mga mamamayan o makapangutang, at magamit ang salapi upang mapahusay ang kanilang kabuhayan upang makalahok sa takbo ng ekonomiya ng mga bansa. Makakasama sa kalakaran ang mga regulator, service providers, policy makers at pribadong non-government organizations.
May 130 mga delegado mula sa iba't ibang bansa. Magtatapos ang mga pagpupulong ngayong hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |