Peligro sa seguridad ng mga Tsino sa NGCP, pinabulaanan
HINDI panganib sa seguridad ng bansa ang mga pinatalsik na mga Tsino na nagtatrabaho sa National Grid Corporation, 'di tulad ng sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla.
Sinabi ni ni Chinese Ambasador Zhao Jianhua, walang security issue hinggil sa pananatili ng mga Tsino sa National Grid Corporation of the Philippines. Magugunitang hindi na binigyan ng renewal ng Pilipinas ang work visas ng 16 na technical experts sa NGCP sa darating na Hulyo.
Ito ang sinabi ni Ambassador Zhao sa paglulunsad ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa
1 2 3 4 5