|
||||||||
|
||
我刷信用卡 请您在这里签字
20150305Aralin43Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Ipagpalagay nating pinili ninyong gumamit ng kredit kard. Para rito, maari ninyong sabihin:
我(wǒ)刷(shuā)信(xìn)用(yòng)卡(kǎ).
我(wǒ), ako.
信(xìn)用(yòng), kredit; 卡(kǎ), kard; 信(xìn)用(yòng)卡(kǎ), kredit kard.
刷(shuā)信(xìn)用(yòng)卡(kǎ), magbayad gamit ang kredit kard.
Sa bandang huli, hihilingin nilang ipirma ang inyong pangalan. Maaring ganito ang kanilang sabihin: "Pakipirma lang po ang pangalan ninyo rito."
请(qǐng)您(nín)在(zài)这(zhè)里(lǐ)签(qiān)字(zì).
请(qǐng), paki o pakiusap lang.
您(nín), magalang na porma ng你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw.
在(zài), pang-ukol na nangangahulugan ng sa; 这(zhè)里(lǐ) , dito; 在(zài)这(zhè)里(lǐ), dito.
签(qiān)字(zì), ipirma ang pangalan.
Kasiyahan nating muli ang ikalawang usapan:
A: 您(nín)是(shì)交(jiāo)现金(xiànjīn)还是(háishì)刷(shuā)卡(kǎ)?Magbabayad po ba kayo ng pera o gagamit ng kard?
B: 我(wǒ)刷(shuā)信用卡(xìnyòngkǎ)。Gagamitin ko ang kredit kard ko.
A: 请(qǐng)您(nín)在(zài)这里(zhèlǐ)签字(qiānzì)。Pakipirma po ang pangalan ninyo rito.
B: 好的(hǎode)。Okey.
Ngayon, dumako na tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Ang mga mamamayang Tsino ay nasanay na sa pagbabayad ng cash. Maski sa paglalakbay sa ibayong-dagat, nagdadala sila ng malaking halaga ng pera. Dahil dito, nadaragdagan ang peligrong mawala ang pera o manakaw ito. Pero sa ngayon, unti-unti nang nakikita ng mga tao ang pakinabang ng kredit kard. Parami nang paraming kabataan, sa partikular ang pumipiling gumamit ng kredit kard. Ang iba't ibang bangko ay nag-aalok ng incentive schemes kung saan binibigyan nila ng mga regalo ang kanilang mga kliyente kung gagamit ang mga ito ng kanilang kard. Kaya, hindi na kataka-taka kung makakakita kayo ng maraming kard sa mga pitaka ng mga kabataang Tsino.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook (crifilipinoservice), website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ===>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |