|
||||||||
|
||
您好要帮忙吗 我交电话费 我交电费
Wikang Tsino
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay. 好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Gaya ng nabanggit natin sa nakaraang aralin na may kinalaman sa pagpapalit ng pera sa bangko, sa Tsina, ang mga tao ay maaaring magpunta sa bangko para magbayad ng kanilang mga bayarin. Ang mga tao sa bangko ay maaring magtanong sa inyo ng mga bagay na tulad ng "Helo po, may maitutulong ba ako sa inyo?"
您(nín)好(hǎo), 要(yào)帮(bāng)忙(máng)吗(ma)?
您(nín), kayo, magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan ng ikaw. 您(nín)好(hǎo), helo po.
要(yào), kailangan.
帮(bāng)忙(máng), tulong.
吗(ma), katagang pananong na ginagamit sa hulihan ng pangungusap.
Narito ang isang bersyon ng sagot sa"Helo po, may maitutulong ba ako sa inyo?" 您(nín)好(hǎo), 要(yào)帮(bāng)忙(máng)吗(ma)?
"Gusto kong magbayad ng bayarin ko sa telepono."
我(wǒ)交(jiāo)电(diàn)话(huà)费(fèi).
我(wǒ), ako.
交(jiāo), magbayad.
电(diàn)话(huà), telepono; 费(fèi), bayarin; 电(diàn)话(huà)费(fèi), bayarin sa telepono.
Narito ang unang usapan:
A: 您好(nínhǎo)。要(yào)帮忙(bāngmáng)吗(ma)?Helo po, may maitutulong ba ako sa inyo?
B: 嗯(èn)。我(wǒ)交电(jiāodiàn)话费(huàfèi)。Oo. Gusto kong magbayad ng bayarin ko sa telepono.
A: 请(qǐng)跟(gēn)我(wǒ)来(lái)。Sumunod lang po kayo sa akin.
B: 谢谢(xièxiè)。Salamat.
A: 不客气(búkèqì)。Walang anuman.
Siguro napuna ninyo na maaaring palitan ng katulad na parirala ang电(diàn)话(huà)费(fèi). Halimbawa, "Gusto kong magbayad ng bayarin ko sa koryente."
我(wǒ)交(jiāo)电(diàn)费(fèi).
我(wǒ), ako.
交(jiāo), magbayad.
电(diàn), koryente; 费(fèi), bayarin; 电(diàn)费(fèi), bayarin sa koryente.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 您好(nínhǎo)。要(yào)帮忙(bāngmáng)吗(ma)?Helo po, may maitutulong ba ako sa inyo?
B: 是(shì)的(de)。我(wǒ)交(jiāo)电费(diànfèi)。Oo. Gusto kong magbayad ng bayarin ko sa koryente.
A: 请(qǐng)您(nín)到(dào)第(dì)三(sān)个(gè)窗(chuāng)口(kǒu)。Punta lang po kayo sa ikatlong bintanilya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |