Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas malaki ang mawawala sa Pilipinas kung 'di maipapasa ang BBL

(GMT+08:00) 2015-03-27 19:52:30       CRI

Mas malaki ang mawawala sa Pilipinas kung 'di maipapasa ang BBL

MAS malaki ang mawawala sa Pilipinas kung hindi maipapasa ang Bangsamoro Basic Law. Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa unang anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Ani Pangulong Aquino, ang mga mawawalan ay ang mga taong napapagitna sa kaguluhan ang maaapektuhan kasabay ng pagtatangka ng pamahalaang maibsan ang kahirapan at ang pagtatamo ng kapayapaang pangmatagalan.

Ang mga taong napabayaan at tinalikdan ng sistema at mga institusyon ang makakadama ng paglimot at masamang pagtrato kung hindi maipapasa ang Bangsamoro Basic Law.

Ito umano ang sangangdaang kinakaharap ng bansa, ang pagtatangkang magkaroon ng kapayapaan at ang pagbibilang ng mga bodybags na maglalaman ng mga mapapaslang. Madali umanong sabihin na makipagdigmaan na sapagkat ang mga nananawagan ng ganito ay nasa Luzon at Kabisayaan at malayo sa Mindanao.

Kung maipapasa ang BBL, dalawang problema ang malulutas, ang kahirapan at ang kaguluhan sa bansa. Tumagal umano ng 17 taon ang pagsusuri at negosasyon at marami nang nagbuwis ng buhay makamtan lamang ang kapayapaan.

Sa naganap sa Mamasapano, napaltan ang pagtitiwala ng mga pagdududa at galit. Ang mga puna sa BBL ay dahilan lamang ng kawalan ng pag-unawa sa panukalang batas. Tunay umanong kapayapaan ang kanyang nais makamtan sa administrasyong ito.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na kailangang magkaroon ng independent convenors tulad nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, dating Chief Justice Hilario Davide at ang mangangalakal na si Jaime Augusto Zobel de Ayala. Kailangan ang tatlong ito., ani Pangulong Aquino upang mamuno sa National Peace Summit.

Kailangan umano ito upang masuri ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law na pinunpuna dahilan sa naganap sa Mamasapano noong Enero.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>