|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nanawagan sa mga Tsinoy
PANGULONG AQUINO, NANAWAGAN SA MGA TSINOY. Kailangan umanong higit pang makibahagi ang mga Tsinoy upang higit na umunlad ang mga Filipino. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa 30th Biennial Convention ng Federation of Filipino Chambers of Commerce and Industry kanina. (PCOO Photo)
INANYAYAHAN ni Pangulong Aquino ang mga mangangalakal na Tsinoy na higit pang tumulong upang maging mas maayos ang buhay ng mga mamamayang Filipino.
Ito ang buod ng kanyang talumpati sa 30th Biennial Convention ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce, Inc.sa SMX Convention Center sa Mall of Asia kanina.
Kasama niyang dumalo sa pagtitipon sina Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II at Technical Education and Skills Development Authority Secretary Joel Villanueva.
Ginunita ni Pangulong Aquino ang kanyang panukalang batas noong siya'y isang mambabatas pa na humiling sa mga mangangalakal na ibahagi ang kanilang kita sa mga kawani. Dumating na umano sa punto na magkakataliwas at nagkakabangayan ang mga may kapital at mga manggagawa. Sa bawat paghingi ng mga manggagawa ng dagdag na sahod, sinasagot naman ng mga may kumpanya sa pamamagitan ng mga mumo.
Sa okasyon, sumaksi si Pangulong Aquino sa paggagawad ng isang plake kay Dr. Alfonso Siy mula kay Chairman Emeritus Lucio Tan.
PANGULONG AQUINO AT AMBASSADOR ZHAO, NAGKITA SA PULONG. Masayang nagkita sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (kanan) at Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa pagpupulong ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry kanina. (PCOO Photo)
Dumalo rin sa pagtitipon si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at iba pang mga kasapi ng diplomatic corps. May 750 mga delegado ang dumalo sa tatlong araw na pagpupulong. Maghahalal sila ng mga bagong mamumuno sa kanilang prestiyosong samahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |