|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Senador Poe, kailangang maliwanagan ang madla sa Bangsamoro Basic Law
NANINDIGAN si Senador Grace Poe na nararapat lamang maliwanagan ang mamamayan sa mga probisyon at nilalaman ng Bangsamoro Basic Law.
Ito ang kanyang reakasyon sa panawagang ipasa ang Bangsamoro Basic Law. Anang mambabatas, sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, dating Chief Justice Hilario Davided at G. Jaime Augusto Zobel de Ayala ang mayroong kredibilidad at pagtitiwala ng nakararami.
Kailangang ang mga taong tulad nila ang magsuri at magmungkahi ng mga pagbabagong kailangang gawin sa panukalang batas. Sa malayang pananaw ng mga taong ito, maasahan ng madla ang maayos na pagsusuri sa nilalaman ng panukalang batas.
Kailangang magkaroon ng bukas na pag-iisip ang madla sapagkat mauunawaan nila ng lubos ang nilalaman nito at malaki ang posibilidad na suportahan pa ang BBL.
Subalit, dagdag pa ng mambabatas, bago isama ang mga kilalang tao sa pagsusuri, nararapat lamang bigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas na magkaroon ng sariling bersyon ang Kongreso ng alinsunod sa nilalaman ng Saligang Batas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |