|
||||||||
|
||
Panggipit sa isang human rights lawyer, ipinasisiyasat
KUMILOS na ang Armed Forces of the Philippines at sinisiyasat na ang sinasabing panggigipit ng mga kawal sa isang human rights lawyer. Lumabas sa balitang isinailalim sa surveillance si Atty. Maria Catherine Dannug-Salucon.
Dumulog ang abogada sa Court of Appeals para sa Writs of Amparo at Habeas Data. Inatasan ng Court of Appeals ang pamahalaan na alamin ang katotohanan sa mga alegasyon na isinama ang abogada sa talaan ng mga tinaguriang "red lawyers."
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, chief ng AFP Public Affairs, magkakaroon ng pagsisiyasat sa impormasyong ito.
Si Salucon ay isa sa mga nagtatag ng National union of Peoples Lawyers at may mga hawak na usaping paglabag sa karapatang pangtao. Kasama sa pinagpapaliwanag sina Pangulong Aquino, Defense Secretary Voltaire Gazmin at ilang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |