|
||||||||
|
||
Cecilia Cheung
|
Ang pagsasama nina Cecilia Cheung at Nicholas Tse ay tumagal ng 5 taon. Si Nicholas Tse ay isa ring movie star ng Hong Kong. Noong 2006, nag-propose si Nicholas Tse kay Cecilia Cheung sa isang maliit na isla sa Palawan, doon din sila nagpakasal.
Sa 5 taon nilang pagsasama, nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki. Ngayon, pagkaraan ng divorce, sumunod ang dalawang anak sa kanilang nanay. Samantala, nagkabalikan naman si Nicholas Tse at kanyang former girlfriend, Faye Wong. At ito raw ang dahilan kung bakit hwala sa mabuting lagay si Cecilia Cheung.
Noong nakaraan, si Cecilia Cheung ay hindi naman isang masamang actress. Noong 2004, natamo niya ang Best Actress Award sa Hong Kong Film Awards dahil sa kanyang namumukod na pagpapakita sa pelikulang "Unforgettable." Ang papel niya sa pelikula ay isang stepmother. Kinakanta rin niya ang theme song ng pelikulang ito, na may parehong pamagat, "Unforgettable."
Isinilang si Cheung noong 1980 sa Hong Kong. Ang kanyang ina ay isang British at kanyang ama ay mula sa Shanghai, Tsina. Mula sa kanyang kabataan, si Cecilia ay isang magandang dalaga. Noong 1998, sa 18 taong gulang, natuklasan siya ni Stephen Chow, movie star at direkdor ng Hong Kong at lumabas si Cecilia sa pelikula ni Stephen, sa kauna-unahang pagkakataon. May talento si Cecilia, matagumpay ang pelikula at mula noon, siya ay naging popular.
Noong 1999, sinimulan ni Cecilia ang pagkanta at pinalabas ang kanyang kauna-unahang album. Sa taon ding iyan, lumabas siya sa isa pang pelikulang "Fly Me to Polaris" at natamo niya ang Best Newcomer Award sa ika-19 na Hong Kong Film Awards.
Ang panahong iyan ay magandang panahon para sa career ni Cecilia. Noong 2001, lumahok si Cecilia sa isang Korean pelikula na pinamagatang "Failan" at ginanapan niya ang papel ng leading lady. Natamo ng pelikula ang best director sa pinakamataas na gantimpala ng pelikula sa Timog Korea, Blue Dragon Awards noong 2001. Bukod dito, nakuha rin ni Cecilia ang Best Actress Nomination. Mula noon, nagsimula siyang makilala ng mas maraming manonood sa Asya.
Noong 2002, dahil sa pelikulang "lioness's roar," natamo niya ang isa pang malaking gantimpala, Most Popular Actress ng 3rd Chinese Film and Media Awards. Dahil sa tagumpay nito, ipinalabas din ang "lioness's roar II" noong taong 2012.
Noong 2006, nagpakasal sina Cecilia at Nicholas Tse. Tumigil si Cecilia sa pagtatrabaho hanggang noong 2011. Sa taong ito, pagkaraan ng hiwalayan, bumalik si Cecilia sa showbiz. Ipinalabas niya ang isang bagong single na pinamagatang "Noon," sa wikang Tsino ay "Ceng Jing." Sa lyrics, inaalala niya ang nakaraan at pag-ibig ng former husband. Anito, "I'm not blaming the world or blaming you / no injury can not afford /". Pero, ang injury dahil sa pag-ibig ay talagang grabe. Sana, makarekober si Cecilia at bumalik ang dati niyang kalagayan, sa lalong madaling panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |