|
||||||||
|
||
Dai Quan
|
Ayon sa estadistika mula sa producer's group ng "Sing My Song," ang awit na "Wu Kong" na nilikha at kinanta ni Dai Quan ay pumasok sa TOP 10 gold song sa "Sing My Song" second season. Mataas daw kasi ang click rate ng single song sa website. Ang awit na "Wu Kong" ay may estilo ng tradisyonal na Chinese music na gaya ng Beijing Opera. At ang kuwento ng lyrics ay mula sa well-known Chinese classic novels "the Journey to the West," o kilala rin bilang "Monkey." Ang "Wu Kong" ay pangalan ng monkey king.
Si Dai Quan ay 35 taong gulang, siya ay hindi na bata, at hindi rin isang new talent sa sirkulong musika. Siya ay may mahigit 10 taong karanasan sa larangan ng musika.
Hindi kilala ng publiko si Dai Quan bago siya lumahok sa "The Voice of China" noong 2013. Noong ipalabas ang "The Voice of China" sa TV sa kauna-unahang pagkakataon, ito ang naging pinaka-popular na TV Show na lumikha ng bagong record audience rating.
Si Dai Quan ay mahusay sa adaptasyon ng musika. Dahil sa nakaraan, siya ay nagtrabaho sa TV bilang isang musical director at producer. At ang estilo ng musika ni Dai ay changeable, hindi puwedeng sabihing may anumang framework ang kanyang musika. Walang tigil na ibinigay ng musika ni Dai ang iba't ibang sorpresa sa mga tagapakinig.
Sa contest na "Sing my Song," may isang test para sa bawat contestant na pumasok sa ika-2 season ng show. Dapat matapos nila ang paglikha ng sariling awit ayon sa itinakdang theme sa loob ng 12 oras. Ito ay mahigpit na test sa kanilang kakayahan sa pagkamalikhain ng mga contestant.
Ngayon, si Dai Quan ay isa nang miyembro ng isang on-line music studio na pinamagatang "Mo Ming Qi Miao." Ang grupo ay nabuo sa pamamagitan ng internet at ang kanilang mga musika ay ipinalalabas sa internet. Ang musikang nililikha ng "Mo Ming Qi Miao" ay may "neoclassical" na estilong Tsino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |