Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

When You Are Old

(GMT+08:00) 2015-03-18 15:57:47       CRI

Ngayong gabi, gusto naming ipakilala sa inyo ang isang sikat na kanta na pinamagatang "When You Are Old." Bakit ito sikat? Kasi, ang lyrics nito ay isang bantog at magandang tula sa wikang Ingles.

WHEN YOU ARE OLD

When you are old and grey and full of sleep,

And nodding by the fire, take down this book,

And slowly read, and dream of the soft look

Your eyes had once, and of their shadows deep;

How many loved your moments of glad grace,

And loved your beauty with love false or true,

But one man loved the pilgrim soul in you,

And loved the sorrows of your changing face;

And bending down beside the glowing bars,

Murmur, a little sadly, how Love fled

And paced upon the mountains overhead

And hid his face amid a crowd of stars.

Sino ang gumawa ng tulang ito? Si William Butler Yeats. Si Yeats ay isang poet at dramatist mula 1860's hanggang 1930's. Siya rin ang Leader ng Literary Renaissance Movement. Noong 1923, nakuha niya ang Nobel Prize for literature. Ang estilo ng mga tula ni Yeats ay romantiko. Romantiko rin ang kanyang buhay.

Noong 23 taong gulang siya, nahulog ang kalooban ni Yeats sa isang magandang aktres. Ang aktres na ito ay anak ng isang Colonel sa British Army. Kahit mataas ang antas ng pamumuhay ng aktres, sumali siya sa kilusan upang ipagtanggol ang mahihirap na mamamayan at siya ay naging isa sa mga leader nito. Kahit mahal ni Yeats ang dalaga, hindi niya ito sinabi sa kanya dahil sa malaking agwat ng pamumuhay. Isang araw, niligawan ni Yeats ang dalaga at di-naglaon ay inalok nya ito ng kasal. Ngunit, tumanggi ang dalaga. Bagamat ganoon, ang dalaga ang naging inspirasyon ni Yeats sa kanyang pagsusulat ng kanta sa loob ng 10 taon.

Si Karen Joy Morris

Noong nagdaang Spring Festival Gala, na isinahimpapawid sa China Central Television (CCTV), ang When You Are Old ay kinanta ni Karen Joy Morris, mang-aawit at aktres na mula sa HongKong.

Ang composer na si Zhao Zhao ay isa ring romantikong tao. Mahusay siya sa literature, poem, painting, at musika. Napakahilig niya sa musika at literature. Itinatag niya ang mga banda, kinopya ang kanta ng mga kilalang mang-aawit at banda, at pagkatapos, lumikha ng sariling awitin.

Si Zhao Zhao

Multi-talented siya. Mahusay siya sa maraming instrumento gaya ng gitara, 10-Holes Harp, flute, bottle gourd silk, squeezebox, at keyboard. Bukod sa "When You Are Old," marami pang ibang awit ang kinatha ni Zhao Zhao, isa rito ang "Sa Kabundukan."

Si Li Jian

Isa pang kilalang mang-aawit na kumanta ng "When You Are Old" ay si Li Jian. Sa paglahok sa "I am a singer," isang talent show sa Hunan TV ng Tsina, kinanta ni Li Jian ang awit na ito. Si Li Jian ay dati ring miyembro ng bandang "Shui Mu Nian Hua." Ang bandang ito ay itinayo ni Zhao Zhao at Li Jian noong sila ay nag-aaral pa sa Tsinghua University. Karamihan sa mga awitin nila ay mga folk songs tungkol sa paaralan.


May Kinalamang Babasahin
maarte
v Joanna Wang 2015-03-10 16:32:23
v Xu Xiaofeng 2015-03-03 18:24:08
v Jane Zhang 2015-02-26 17:54:25
v Jay Chou 2015-02-17 16:26:18
v Andy Lau 2015-02-11 16:06:01
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>