Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Joanna Wang

(GMT+08:00) 2015-03-10 16:32:23       CRI

Si Joanna Wang ay isang babaeng mang-aawit na Taiwanes. Hindi katulad ng iba pang mang-aawit na Tsino, siya ay kilala dahil sa pagkanta ng English songs.  Ang kanyang boses ay kahawig ng kina Lisa Ono at Norah Jones. Tinatawag din siyang "Lisa Ono" ng Taiwan. Dahil lumaki si Joanna Wang sa Amerika, mahusay siya sa pagkanta ng mga awit na may estilong Jazz.

Ang ama ni Joanna ay isang music producer sa Taiwan. At dahil mula siya sa pamilyang nasa sirkulo ng musika, nagkaroon ng talento sa musika si Joanna. Pero, dahil ang ama ay kilalang musician sa Taiwan, hindi niya gustong gamitin ang impluwensya ng ama. Sa simula, muntik nang sumuko si Joanna. Pero, noong 12 taong gulang siya, binigyan siya ng isang gitara ng ama. Tinugtog niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay, dahil si Joanna ay kaliwete. Sa kabutihang palad, sumunod si Joanna yapak at payo ng ama at sinimulang mag-aral siya ng gitara. Tinugtog ni Joanna ang gitara katulad ng kanyang idolo, na si Paul McCartney ng The Beatles. Noong 14 taong gulang siya, sinimulan ni Joanna ang sariling paglikha ng mga awit at solong pagtatanghal. Noong 2008, sa edad na 20 taong gulang, ipinalabas ni Joanna Wang ang kanyang unang album, "Start from here."

Dahil sa impluwensiya ng pamilya, hindi katulad ng iba pang kabataang mang-aawit, hindi kinakabahan si Joanna sa pagtatanghal sa harap ng maraming tagapanood. Sa pagtatanghal, si Joanna ay parang isang beteranong mang-aawit at live show ang kanyang paborito. Aniya, noong bata ako, kapag ako ay nagtatanghal, maraming kaibigan ng aking ama ang nanood. Kahit maraming ang mga tagapanood, alam kong sila ay dumalo dahil sa aking ama, hindi dahil sa akin. Pero, sa aking sariling pagtatanghal, kahit ilan-ilan lamang ang mga tagapanood, alam kong sila ay dumalo dahil sa akin. Sabi ni Joanna, masayang Masaya siya sa ganitong uri ng konsiyerto.

Mahusay din si Joanna Wang sa paglikha ng musika. Noong 2011, ipinalabas ni Joanna ang isang album "The Adventures of Bernie The Schoolboy," ang lahat ng mga awit sa album na ito ay sinulat mismo ni Joanna. Isang taon ang ginugol ni Joanna para makumpleto ang album na ito. Dito, tinangka niyang baguhin ang kanyang estilo ng musika.

Sa isang panayam, sinabi ni Joanna na gusto niyang maging isang musician na hindi lamang mahusay sa pagkanta, kundi mahusay din sa paglikha ng musika. Noong 2013, ipinalabas muli niya ang isa pang album na may bagong estilo. Ang album na pinamagatang "Galaxy Crisis" ay ginawa ni Joanna, kasama ni Bennett Salvary, music producer ng pelikulang "Jeepers Creepers."

Sinabi rin ni Joanna na gusto niyang kantahin ang mga lumang awit. Sa katunayan, maganda rin ang pagkanta ni Joanna ng mga lumang awit sa Wikang Tsino.

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Xu Xiaofeng 2015-03-03 18:24:08
v Jane Zhang 2015-02-26 17:54:25
v Jay Chou 2015-02-17 16:26:18
v Andy Lau 2015-02-11 16:06:01
v Eason Chan 2015-02-04 16:19:55
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>