|
||||||||
|
||
Li Jian
|
Bilang isang taga-Harbin, mahal ni Li Jian ang kanyang hometown. Nagsulat siya noon ng isang awit para sa "mother river" ng Harbin, Ilog Song Hua. Marami ang pumuri sa kanyang mga awit na may magandang melody at lyrics at parang tula. Maliwanag ang boses ni Lijian na parang dalisay na tubig. \
Binansagan si Li Jian bilang "musical poet." Kapuwa ang kanyang ama at ina ay mga artista. Sa ilalim ng impluwensiya ng kanyang pamilya, nagsimula siyang mag-aral ng Peking Opera at gitara sa murang edad. Noong nasa high school, lumahok siya sa winter camp na inorganisa ng Tsinghua University, isa sa mga pinakamabuting unibersidad ng Tsina. At dahil naging kampeon ng singing contest sa panahon ng winter camp, tinanggap siya bilang estudyante ng Tsinghua University.
Sa unibersidad, idinispley si Li Jiang ang kanyang talento sa musika. At pagkaraang magtapos noong 2001, binubuo niya at isa pang schoolmate sa Tsinghua University ang bandang "Shui Mu Nian Hua." Ipinalabas nila ang kauna-unahang album na "Yi Sheng You Ni" at ang theme song na may parehong pangalan. Mabilis itong naging popular. Ang awit na ito ang pinakakilalang kanta ng "Shui Mu Nian Hua" hanggang ngayon.
Ang lyrics nito ay mula sa isang bantog at magandang tula sa wikang Ingles na sinulat ni William Butler Yeats. Isinalaysay na natin ang tulang ito noong huling episode, ang pangalan ng tula ay "When you are old." Isa pang awit na may parehong pangalan ang isinulat din ni composer Zhao Zhao batay sa tulang "When you are old." At sa paglahok sa "I am a singer," kinanta ni Li Jian ang awit na ito.
Noong 2010, sa Spring Festival show sa CCTV, isang TV Show na may pinakamataas na rating sa Spring Festival, kinanta ni Faye Wong ang awit na "legend" na sinulat ni Li Jian. Mula noon, ang "legend" ay mabilis na naging kilala at talagang naging isang legend. Noong taong 2010 hanggang ngayon, ginagamit ang awit na ito ng libu-libong tao bilang cellphone ringtone.
Nilikha ni Li ang awit na ito noong 2003, pero noong panahong iyan, hindi naging kilala ang awit na ito. Pagkatapos ng 7 taon, saka pa lang ito naging kilala. Tinanggap lamang ni Li ang halos 100 libong RMB bilang copyright income mula sa paggamit ng ringtone, ito ay katumbas ng taunang kita ng isang ordinary white-collar sa Beijing. Nang kapanayamin ng media, sinabi ni Li na hindi pa siya kumita ng malaking pera nitong mahigit 10 taon bilang isang singer at musician, pero, lagi pa rin siyang nagsisikap.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |