|
||||||||
|
||
Leehom Wang
|
Noong 1998, nagsimala siyang magtrabaho sa Sony. Nilikha niya ang kanyang sariling mga kanta, at mula noon, naging mas kilala siya. Sa album na pinamagatang "Rotation and Revolution," nilikha niya ang mga kantang may estilo ng kanluran, at ginamit ang himig na R&B. Mula roon, hinango ang mga modernong kantang Tsino. Hindi lamang sa Taiwan sikat si Leehom, kundi maging sa Hongkong, mailand, at iba pang lugar ay sikat din siya. Dahil dito, nakuha niya ang "Best Male Singer" at "Best Album Producer" sa Golden Melody Awards.
Bukod sa R&B, sinubukan ni Leehom ang iba't ibang estilo ng musika. Noong 2003, inilabas niya ang album na pinamagatang "Amazing" na may estilo ng Hip-Hop. Muli niyang nakuha ang "Best Album Producer" sa Golden Melody Awards.
Noong 2004, inilabas naman niya ang album na pinamagatang "Sun And Moon In My Heart." Ito ay may estilong "Chinked-out," ito ay naging isang inobasyon din sa sirkulo ng musika ng Tsina. Ginamit niya sa mga kanta ang elemento ng Peking Opera, at muling nakuha ang "Best Male Singer" sa Golden Melody Awards.
Bukod sa pagiging artisa, aktibo si Leehom sa marami pang larangan. Siya ang torchbearer ng 2008 Beijing Olympic Games, at inanyayahan din siya sa 2006 Winter Olympic Games. Sa seremonya ng pagbubukas ng 2006 Winter Olympics, kinanta ni Leehom ang "Matchless Hero" at nakatawag ito ng mainit na pagsubaybay.
Noong 2007, nasa ika-77 puwesto siya ng Top 80 Pinakaimpluwensiyal na American Born Asian sa Amerika. Ang iba pang mga pangalan sa listahang ito asy sina Bruce Lee, Ang Lee, at marami pang iba.
Noong nagdaang 2014, natagpuan ni Leehom ang dalawang big moment sa buhay niya: ang pagpapakasal at pagkakaroon ng baby girl. Ayon sa kanya, pagkaraan ng mga ito naging mas mature siya.
Sa taong 2015, pagkaraan ng 4 na taong paghahanda, inilabas si Leehom ang bagong album na pinamagatang "Your Love" at ito ay umiinog sa kanyang palagay at damdamin tungkol sa iba't ibang yugto ng pag-ibig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |