|
||||||||
|
||
150428melo.mp3
|
Kahilingan ni Pangulong Aquino, tinanggihan ni Pangulong Widodo
WALANG sapat na dahilan upang pigilin ang pagharap sa firing squad ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. ipinarating ni G. Widodo sa pamahalaan ng Pilipinas na walang dahilan upang iurong ang parusang kamatayan sa Filipina.
Nakausap ni Pangulong Aquino si G. Widodo sa pagdaraos ng 26th Association of Southeast Asian Nations Leaders Summit sa Kuala Lumpur at humiling ng clemency para kay Veloso na nahatulan dahilan sa illegal drugs.
Inatasan ni Pangulong Widodo ang kanyang foreign minister na iparating sa pamahalaan ng Pilipinas na naniniwala ang attorney general (ng Indonesia) na walang anumang basehan upang bawiin pa ang parusang kamatayan at kailangan lamang itong ipatupad.
Nalungkot si Pangulong Aquino ng mabalitaan ang desisyon ng Indonesia sa kanyang kahilingan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |