Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kahilingan ni Pangulong Aquino, tinanggihan ni Pangulong Widodo

(GMT+08:00) 2015-04-28 17:57:43       CRI

Dalawang nag-recruit kay Mary Jane Veloso, sumuko na

MGA KANDILA PARA KAY MARY JANE.  Karaniwang makikita ang pagsisindi ng kandila para kay Mary Jane Veloso na nakatakdang humarap sa firing squad ngayon sa Indonesia.  Makikita ang mga kawani ng Senado sa pamumuno ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO) at COURAGE ang nagsindi ng mga kandila para kay Mary Jane Veloso.  Nahatulan si Mary Jane ng parusang kamatayan dahil sa drug trafficking.  (Albert Calvelo/PRIB Photo)

SUMUKO ang dalawang sinasabing nag-recruit kay Mary Jane Veloso na nakatakdang gawaran ng parusang kamatayan ngayon, sa mga autoridad.

Ayon sa media reports sa Maynila, sumuko si Maria Kristina Sergio na kilala rin sa pangalang Mary Christine Gulles Pasadilla sa Nueve Ecija Provincial Police Office sa Cabanatuan City kaninang ika-sampu ng umaga.

Idinagdag ng mga himpilan ng radio sa Maynila na sumuko si Sergio sa pulisya sa pangambang masaktan o mapaslang matapos sabihing siya ang recruiter ni Mary Jane Veloso sa pagpasok sa Indonesia.

Nangamba si Sergio na baka siya saktan ng mga kamag-anak ni Veloso at ng kanyang mga kaibigan sa oras na matuloy ang paggagawad ng parusang kamatayan sa kanyang kinakapatid. Kasama niyang sumuko ang kanyang kinakasamang (common-law husband) si Julius Lacanilao.

Ipinarating na ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ang usapin kahapon para sa illegal recruitment, human trafficking at estafa laban kay Sergio, Lacanilao at isang Africanong nakilala lamang sa pangalang "Ike."

Sa mga panayam sa telebisyon, tumanggi si Sergio sa mga alegasyon laban sa kanya at nagsabing hindi siya kasama sa alinmang drug syndicate. Nakiusap siya sa madla na huwag siyang husgahan.

Nakatakdang humarap sa preliminary investigation sina Sergio at Lacanilao sa ika-walo at ika-14 ng Mayo.

Haharap sa firing squad si Veloso sa Indonesia matapos ibasura ng Sleman District Court ang ikalawang apela hinggil sa kanyang usapin kahapon.

Nahatulan si Veloso ng kamatayan dahilan sa drug trafficking matapos madakip na dala ang 2.6 kilos ng heroina sa kanyang pagpasok sa Indonesia noong 2010.

Ayon sa reklamo ng National Bureau of Investigation, si Veloso ay naging biktima ng manipulasyon at panggagantso. Hindi alam ni Mary jane na may dala siyang illegal na droga at ang lahat ng ito'y kagagawan ng kanyang illegal recruiters.

Ibinase ng mga imbestigador ang reklamo sa sistema ng recruitment, paglalakbay at paninirahan sa ibang bansa ang nagpapakita na biktima siya ng human trafficking dahilan sa kanyang kagipitan, pangangailangan ng trabaho para sa kanyang pamilyta kaya't nakapagdala ng illegal na droga na hindi niya namamalayan.

Nabatid ng NBI sa Philippine Overseas Employment Administration na sina Sergio at Lacanilao ay walang lisensya o autoridad na mangalap ng mga manggagawa para sa trabaho sa ibang bansa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>