![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Wala ng pag-asa para kay Mary Jane Veloso, ayon sa DFA
HINDI na mapipigilan pa ang pagharap sa firing squad ni Mary Jane Veloso. Narating na ang tinaguriang "dead end" sa pagtatangka ng Department of Foreign Affairs na mailigtas ang kondenadang ina ng dalawang kabataang lalaki.
Lumalabas na wala ng pag-asa sapagkat nagawa na ang legal at diplomatic approach. Ayon kay Asst. Secretary Charles Jose, tinanggihan na ng hukuman ang ikawalang appeal samantalang sa larangan ng diplomasya, may balita na mula sa Attorney General na matutuloy din ang pagharap sa firing squad ni Veloso.
Ipinaliwanag ni G. Jose na ginawa na ng pamahalaan ang lahat ng magagawa upang makakuha ng pardon para sa Filipinang domestic helper. Humarap na rin naman si Mary Jane Veloso sa due process at kinilala ang kanyang mga karapatan, nabigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang kanyang sarili. Kumilos na rin ang pamahalaan upang mailigtas si Mary Jane.
Naniniwala si G. Jose na hindi naman lalamig ang relasyon ng dalawang bansa sapagkat kapwa kasapi ng Association of Southeast Asian Nations. Nakatakdang igawad ang parusang kamatayan ngayong araw na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |