|
||||||||
|
||
Crisis Management Team, dumating na sa Katmandu
DUMATING na kahapon ng umaga sa Katmandu ang Crisis Management Team mula sa New Delhi.
Inaalam nila ang kalagayan ng pook at nakikipagtulungan na sa Filipino community at inaalam ang kanilang mga pangangailangan.
Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi na magbigay ng kanilang status at kinalalagyan sa kanilang hotline na 0091 9910797014 at sa email na philippineembassynewsdelhi@gmail.con at sa telepono 00918587030863 at 0091 9650927535 at maging sa Facebook na Philippine Embassy New Delhi Information Page.
Hanggang kahapon ng tanghali, may 40 mga Filipino sa Nepal ang nakipagbalitaan sa embahada ng Pilipinas at nagsabing ligtas naman sila. Nanawagan ang embahada sa mga Filipino na makipagbalitaan sa kanilang mga kababayan.
Posible ring makipagbalitaan sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa pamamagitan ng telephono nnilang 0917 5693073 at sa telepono bilang 8714503. Ibabalita kaagad ng Embahada at ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pinakahuling balita mula sa Nepal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |