|
||||||||
|
||
Danny Chan
|
Mahusay si Danny sa paglikha ng mga kanta. Noong bata pa siya, ipinakita na ni Danny ang kanyang espesyal na talento sa musika. Madalas din siyang lumahok sa mga performance sa paaralan. Ilang pinaka-popular na kanta ni Danny ay kanya mismong sinulat, halimbawa, "Only Love You" o sa Wikang Tsino, "Pian Pian Xi Huan Ni."
Gwapo at matalino, at noong bata pa siya, si Danny ang paboritong anak ng kanyang ama. Magulo ang relasyon sa pagitan ng mga miyembro ng kanyang pamilya, at dahil dito, naging sensitibo at introvert si Danny. Samantala, ang ganitong personality ay nakatulong naman sa kanyang pagkanta ng mga romantic songs. At dahil naman sa kanyang maliwanag at malumanay na boses, siya ay naging mahusay sa pagkanta ng mga romantic songs.
Si Danny ay sensitibo at introvert, ito daw ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng depression. Noong Pabrero 1992, pagkatapos ng tatlong live performance sa Shanghai, ipinatalastas ni Danny Chan ang kanyang pagtigil sa pagpalabas ng album at paggawa ng performance. Noong ika-18 ng Mayo 1992, natagpuan si Danny na walang malay sa kanyang bahay, at isinugod sa ospital. Pagkaraan ng 17 buwan na gamutan, namatay si Danny Chan sa ika-25 ng Oktubre 1993, sa edad na 35 taong gulang. Namatay siya dahil sa sobrang pag-inom ng alak at sleeping pills.
Noong 1980's, ang singing world ng Hong Kong ay nasa tinatawag na "2 Heavenly Kings Period," at ang dalawang kings ay sina Leslie Cheung at Alan Tam. Kahit popular, hindi naging kasing tagumpay ni Danny ang dalawang ito. Ito ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng depression. Si Danny Chan ay hindi naging isang Singing King, pero, ilan sa kanyang awitin ay mas kilala kaysa anumang works ng iba pang singers: halimbawa, ang "Yat Sang Ho Kau" ay isa sa mga pinakakilalang Cantonese song sa mainland ng Tsina. Karamihan sa mga tao sa mainland ay hindi nagsasalita at nakakaintindi ng Cantonese, pero marami pa rin ang sumusubok kantahain ang awting ito. Hanggang ngayon, ang "Yat Sang Ho Kau" ay itinututuring bilang isa sa mga classics.
Ang "Yat Sang Ho Kau" ay nangangahulugang "What am I Looking for in this Life." Sa kanyang buong buhay, hinanap ni Danny ang sagot sa tanong na ito, pero, walang nakakaalam kung nahanap nga ni Danny ang sagot. Pagkaraang sumakabilang-buhay ni Danny, ginamit ang awitin na ito bilang theme song ng isang radio drama "Paglaban sa Droga," sa ilallim ng patnubay ng Lupon ng Paglaban sa Droga ng Hong Kong.
Katulad ng awiting ito, ang mga awitin ni Danny Chan ay may bitalidad pa rin pagkaraan niyang mamaalam. Ginamit din ang kanyang mga awitin sa iba't ibang lugar, halimbawa, noong 1999, isinapubliko ng pamahalaan ng Hong Kong ang Tracker Fund of Hong Kong, sa harap ng pinansyal na krisis ng Asya. Ginamit ang awiting "Ripple" ni Danny Chan bilang background music ng promotion film, at ang musikang ito ay nakakuha ng Best AD Song Golden Award ng Hong Kong sa taong iyan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |