|
||||||||
|
||
Momo Wu
|
Ang napakabatang babaeng mang-aawit na si MoMo Wu ay itinuturing na "Lady Gaga ng Tsina." Popular siya dahil sa kanyang boses, hitsura, at affairs din. Sa kasalukuyan, hawak ni Momo ang isang espesyal na gantimpala: Pinakapangit na Star sa Asya. Kahit ganito, tinanggap pa rin siya ng maraming tao. Bakit? Dahil sa Voice of China.
Noong 2012, lumahok siya sa Voice of China, isang talent show na isinahimpapawid ng Zhejiang TV. Dito, 4 na kilalang mang-aawit ng Tsina ang maaring maging guro para makuha ang gantimpala. Doon, natuklasan siya ng kanyang guro na si Harlem Yu, kailala at senior na mang-aawit ng Taiwan. Unang napansin ni Harlem si MoMo dahil sa awit na "Price Tag" nina B.o.B at Jessie J. Kinanta ito ni MoMo sa esitlo ng Rock and Roll.
Batang bata pa si MoMo, ipinanganak siya noong 1992. Ang kanyang tatay ay isang mang-aawit din, pero kinakanta niya ang papel ng babae. Noong bata pa siya, magkasama silang kumanta sa iba't ibang lugar ng Tsina. Kasama ng nanay, sumasama sila sa isang circus wagon. Noong panahong iyon, si Momo ay palaging nakakatawag ng maraming pansin.
Noong elementary school at middle school, nag-aral si MoMo sa paaralan ng pag-arte. Noong kolehiyo, nag-major siya sa pop music. Pagkaraan ng "Voce of China," nagsimula siyang pumasok sa mata ng publiko. Kinanta rin niya ang awit na "Bad Romance" sa programang ito. Ito ang nagpakita sa "strange" style ng pag-aawit ni MoMo. Simula noon, siya ay itinuring na "Lady Gaga" ng Tsina.
Sa talent show na ito, nakuha ni MoMo ang unang puwesto sa grupo ni Harlem. Mula noon, naging mas malapit ang relasyon niya sa kanyang guro.
Sa pinal na kompetisyon ng "Voice of China," inawit ni MoMo ang "One person's life" at nakuha niya ang ikalawang puwesto. Dahil dito, lumagda siya ng kontrata sa "Voice of China."
Malalim ang relasyon ni MoMo sa kanyang guro na si Harlem. Noong 2012, magkasama nilang inilabas ang awit na "I want to give you." Dahil dito, si MoMo ay naging top 50 charming new artist, Annual new singer ng Asya, at iba pa. Mula noon, natsi-tsimis na may relasyon sina Harlem at MoMo. Tungkol dito, sinabi ni MoMo na kasintanda ni Harlem ang tatay niya. Aniya pa, siya ang guro at kaibigan.
Kamakailan, inilabas ng isang dyaryo ang pangalan ng mga pangit ng stars ng Asya. Si MoMo ay nasa unang puwesto. Bilang tugon, sinabi ni MoMo na "I deserve it. Sa pelikula, ang papel ko ay isang pangit na babae. Ngayon, nakuha ko ang isang pandaigdigang gantimpala-pinakapanganit na female star ng Asya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |