Ang "Chopsticks Brothers" o "Kuai Zi Xiong Di" ay isang kilalang grupo ng mailand. Ang kanilang napakapopular na awiting "Little Apple" o "Xiao Pingguo" ay sumisikat ngayon hindi lamang sa Tsina, kundi sa Timog Korea at iba pang bansa. Mayroon din itong bersyon sa Ingles.
Ang "Chopsticks Brothers" ay binubuo nina Xiao Yang at Wang Taili. Sila ay screenplay writer, direktor, aktor, composer, at mang-aawit. Unang naging kilala ang "Chopsticks Brothers" noong 2007 dahil sa kanilang music movie na pinamagatang "Memoirs of a Geisha." Dito, sila ang mga leading actor at inawit ang theme song na pinamagatang "Best wishes, my dear."
Noong 2011, ang kanilang isa pang awiting "Tatay" ay nilabas, at ito ang naging theme song ng pelikulang "Tatay." Sa awiting ito, ipinakita ang malalim na pag-ibig ng tatay sa anak at pagpapasalamat ng anak sa ama. Naantig nito ang puso ng maraming tao at mabilis itong sumikat.
Noong 2014, inilabas ng "Chopsticks Brothers" ang "Little Apple." Sa "42nd American Music Awards" noong taong iyon, inanyayahan ang dalawang brothers na magpalabas doon, at sila ang unang grupong Tsino na nagtanghal sa "American Music Awards." Nakuha ng "Little Apple" ang "Best International pop music Awards."
Noong 2015, nakuha ng "Little Apple" ang "The Most Popular Chinese Single" at "The Most Popular Chinese Group" sa 14th Tripod Award. Sa 2015 CCTV evening gala, kasama ang isa pang grupong "Phoenix Legend," itinanghal ng dalawang grupo ang "Zui Xuan Xiao Ping Guo." Ito ay kombanisyon ng "Little Apple" at "The Coolest Ethnic Trend," pinakapopular na awitin ng "Phoenix Legend."