Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gong Linna

(GMT+08:00) 2015-06-03 17:02:04       CRI

Si Gong Linna ay mahusay sa pagkanta sa folk song ng Tsina, pero, ang kanyang mga awit ay sobrang creative. Kung hindi pa kayo nakarinig ng folk song ng Tsina, sa sandaling margining ninyo ang kanyang awit, tiyak na masosorpresa kayo. Sa kabilang dako, kung alam na ninyo ang folk song ng Tsina, kapag narining ninyo si Gong Linna, tiyak na mababago ang impresyon ninyo hinggil sa folk song ng Tsina.

Si Gong Linna ay naging kilala sa dahil sa isang awit na pinamagatang "Tante" o "Uneasy." Nang ilabas niya ang video nito noong 2010, mabilis itong naging popular sa internet. Hindi tulad ng mga normal na awit, walang lyrics ang "Tante," ang melody ay parang Peking Opera, at halos wala pang sinumang tao ang nakarinig na ng ganitong awit. Ang "Tante" ay tinatawag din na "divine tune."

Sapul nang maging popular ang video ng "Tante," libu-libong tao ang nagtangkang kopyahin ang ganitong uri ng pag-awit. Pero, hindi sila nagtagumpay. Ang tanong, sino ang lumikha ng "divine tune?" Sagot, si Laoluo, ang asawa ni Gong Linna. Sa awit na "Tante," ihinalo niya ang accompanying music ng Peking Opera. Ito ay tinugtog gamit ang drum at gong, kasama ng iba pang mga tradisyonal na instrument na gaya ng "sheng," "di," "yangqin," at iba pa. Ang buong awit ay nagpapakita ng iba pang role sa Peking Opera, halimbawa, older women, warrior, young man, little girl at iba pa.

Noong 21 taong gulang siya, natapos si Gong Linna ang pag-aaral sa Pambansang Instituto ng Musika ng Tsina. SIya ay nag-major sa Chinese folk song. Pagkaraan nito, lumahok siya sa mga singing contest at natamo niya ang halos lahat ng mga pinakamataas na gantimpala ng pagkanta ng folk song. Halimbawa, "Best Folk Song Singer" na iginawad ng Ministring Kultural ng Tsina, silver award sa CCTV Youth Singers Competition, at iba pa.

Upang pabutihin ang kanyang pagkanta, noong 2001, pumunta si Gong Linna sa Europa, at doon niya nakilala si Laoluo, ang kanyang asawa. Si Laoluo ay isang German musician, na noon ay naging katrabaho ni Gong Linna. Nagsikap sila para baguhin ang folk song ng Tsina.

Sa katunayan, Si Gong Linna ay isang taong talagang mahusay sa pagkanta ng folk song, at laging nagsisikap para baguhin ang tradisyonal na folk song ng bansa. Pero, kinakailangan ng mga manonood para matanggap ang ilan sa kanilang awit na kilala bilang "divine tune."

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Chopsticks Brothers 2015-05-28 16:39:46
v MoMo Wu 2015-05-19 16:14:37
v Danny Chan 2015-05-13 16:32:12
v Dong Zhen 2015-05-04 15:14:46
v Laure Shang 2015-04-29 17:33:14
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>