Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simbahan, nababahala sa paglilipat ng mga biktimang apektado ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2015-06-10 18:30:58       CRI

Ika-10 Asia Clean Energy Forum, idaraos sa Asian Development Bank

SISIMULAN sa Lunes, ika-15 ng Hunyo ang ika-sampung Asia Clean Energy Forum sa Asian Development Bank. Isang tanong na bibigyang hala ay kung matatamo ba ng rehiyon ang sustainable energy para sa madla.

Ayon sa ADB, nararapat harapin ng mga bansa sa Asia ang hamong bawasan ang greenhouse gases at paghahanap ng magpapatibay ng kanilang energy security at pagkakaroon ng sapat na kuryente sa milyun-milyong kataong wala pa ring kuryente sa kanilang mga tahanan.

Idaraos ang Solar Energy Forum at Energy for All Investors Forum mula sa ika-15 ng Hunyo hanggang sa ika-16 ng buwan. Kasama sa pagtitipon ang mga energy minister, policymakers, project developers, investors at technical experts.

Nakatakdang magsalita sina Bindu N. Lohani, Vice President ng Knowledge Management and Sustainable Development sa ADB at mga dalubhasa sa US Department of State, Korea Energy Management Corporation, World Energy Council, Global Green Growth Institute at Korea Smart Grid Association.

Sa ikalawang araw, magsasalita sina Yongping Zhai, technical advisor ng ADB at mga dalubhasa mula International Energy Agency, Ministry of Power and Energy ng Sri Lanka, World Energy Council at SELCOM.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>