Mga Filipinong makararating sa 100 taon, tatanggap ng P 100,000 regalo
TATANGGAP ang mga mamamayang Filipinong makararating sa isang daang taon ng P 100,000. Ito ang napapaloob sa nakapasang panukalang batas sa Mababang Kapulungan kahapon. Nakapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 5780 na may pamagat na "Centenarians Act" na nagdedeklara din ng ika-25 araw ng Setyembre bilang National Day of Respect for Centenarians" bilang bahagi ng Family Week celebration mula ika19 hanggang ika-28 ng Setyembre.
Ipinadala ng Committee on Population and Family Relations, Committee on Ways and Means at Committee on Appropriations upang makapasa at pamalit sa House Bills 35, 100 at 3134 na akda nina Congressman Marcelino Teodoro ng Marikina, Edcel B. Lagman ng Albay at Rogelio Espina ng Biliran.
Wala pang impormasyong hinggil sa counterpart bill sa Senado.
1 2 3 4 5